JAKE, BANGS bastos daw, lagot sa MTRCB | Bandera

JAKE, BANGS bastos daw, lagot sa MTRCB

|May 29,2012
facebook
share this

JAKE, BANGS bastos daw, lagot sa MTRCB

- May 29, 2012 - 03:39 PM

Dahil sa walang patumanggang halikan at love scene sa isang serye

MAY mga kaibigan kaming nagtatanong kung totoo ba ang nababalitaan nila na may namamagitan na raw kina Jake Cuenca at Bangs Garcia.

Apektado kasi sila sa mga maiinit na eksena ng dalawa sa teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo ng ABS-CBN.

Bukod dito, may nakakausap din kami na nagrereklamo – hindi raw kaya masyado nang garapal ang mga halikan at love scene   sa nasabing teleserye, partikular na nga ang walang patumanggang paglalampungan nina Jake at Bangs?

Sa mga still photos na lumalabas mula sa mga maiinit na eksena nina Jake at Bangs, mukhang namemeligro nga ang Kung Ako’y Iiwan Mo sa MTRCB.

Sigurado kami na may mga nakararating na ring mga ganitong uri ng komento at reklamo kay MTRCB Chair Grace Poe Llamanzares.Ayon sa isang nakausap namin, “Kahit na siguro lagyan pa nila ng SPG (Strong Parental Guidance), hindi mo pa rin masisiguro na nababantayan ng kanilang mga magulang ang mga batang nakakapanood.

Malaki talaga ang impact nito sa mga kabataang nanonood.”

Well, para sa amin, hindi naman maieere ang mga sensitibong eksena sa Kung Ako’y Iiwan Mo kung hindi ito inaprubahan ng MTRCB.

In fairness, nu’ng mapanood namin ang mga halika nina Jake at Bangs, hindi naman ito bastos, cinematic pa nga ito at kailangan talagang ipakita sa viewers dahil pagtataksil nga ang tema ng serye.

Anyway, apektado talaga ang viewers ng nasabing serye, lalo na ang mga OFW na nanonood ng TFC (The Filipino Channel ) sa usaping pagtataksil.

Sa kuwento, matapos mamatay ang baby nila Sarah (Shaina Magdayao) at Paul (Jake), tuluyan nang nagtagumpay si Mia (Bangs) sa planong akitin at muling mahulog ang loob sa kanya ng ex-boyfriend.

Salamin kasi ng tunay na buhay kung ituring ng viewers ang mga eksena sa Kung Ako’y Iiwan Mo. Maging ang “netizens” sa Twitter ay apektado sa kataksilan ni Paul sa asawang si Sarah.

Ayon kay @kathleenmerce, “Ang landi-landi mo talaga Mia! Dapat parusahan ka!”

Say naman ni @itsmebonbon, “Bangs, ang galing mo sa #KungAkoyIiwanMo! Kuhang-kuha mo ang character.

Maraming katulad ni Mia dito sa Dubai!”

Ang chika naman ni @mc_p19,  “Paul mag-isip-isip ka nga! Asawa mo si Sarah kaya kalimutan mo na ang malanding si Mia!”

Sa muling pagbabalik ni Paul sa piling ni Sarah, maipagtapat kaya niya ang nagawang kataksilan sa asawa?

Si Mia na ba ang wawasak sa dating matibay na pag-iibigang Paul at Sarah?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang Kung Ako’y Iiwan Mo pagkatapos ng Mundo Man Ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending