Yeng 2 taon pa maghihintay bago buntisin ni mister
NAPAGDESISYUNAN ng bagong kasal na sina Yeng Constantino at Yan Asuncion na huwag munang magka-baby. Ayon sa mag-asawa balak nilang magkaroon ng anak after two years pa kaya naman kailangan nilang mag-family planning nang bonggang-bongga.
Sa live interview ng Aquino & Abunda Tonight noong Martes ng gabi, sinabi ni Yeng na bago pa sila magpakasal ni Yan noon Feb. 14 ay humingi na sila ng payo sa kanilang doktor tungkol sa plano nilang i-delay muna ang kanilang pagkakaroon ng baby.
“A month before the wedding, nagpunta na po kami sa doktor namin. Lahat ng mga questions, mga fears, tinanong na namin,” pahayag ni Yeng.
Tinanong din ang mag-asawa kung anong method ang ginagawa nila sa pagpaplano ng pamilya, “Mas pinili po namin ‘yung oral, at very low dosage lang para hindi naman po…sa telebisyon po ‘yung work natin and bilugin na nga po ‘yung face ko at baka ako ay lumaki pa,” tugon ni Yeng.
Sabi naman ni Yan pumayag siyang huwag muna silang magkaanak ni Yeng dahil gusto nitong mag-focus muna ang Kapamilya singer sa kanyang career lalo pa’t magse-celebrate na rin ito ng kanyang 10 years sa music industry.
“Para makuha niya ‘yung full-blown 10 years talaga,” chika ni Yan. Tawa lang nang tawa ang dalawa nang biglang humirit si Kris ng tanong kung may nangyari na sa kanila during their honeymoon sa Singapore.
“Masaya naman po ang mga naganap!” ang tanging nasambit ni Yeng habang humahakhak! Mismong ang singer kasi ang nagsabi noon na paninindigan nila ni Yan na hindi sila magse-sex hangga’t hindi pa kasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.