ANGELINE pinaplastik lang daw si SARAH? | Bandera

ANGELINE pinaplastik lang daw si SARAH?

|May 27,2012
facebook
share this

ANGELINE pinaplastik lang daw si SARAH?

- May 27, 2012 - 03:53 PM

Natatakot kasing maging nega ang image sa mga tao

Patutunayan naman nina Sarah Geronimo at Angeline Quinto sa buong mundo na wala silang away at hindi totoong sila’y nagpaplastikan lang.

Mismong ang dalawang singer na ang nagsabi na hindi nila hinahayaan na masira ang kanilang friendship ng mga tsismis.

Say mismo ni Sarah, mas naging close pa nga raw sila ni Angeline ngayon dahil mas madalas na silang nag-uusap kahit sa text lang.

Ayon naman kay Angeline, hindi raw siya agad-agad maniniwala sa mga tsismis tungkol sa kanila ni Sarah para ma-maintain ang kanilang magandang relasyon.

At ngayong gabi nga sa Sarah G. Live, muling magkakasama ang dalawa. Kung noong una ay nag-showdown sila sa biritan, pet day adventure naman sa “Sige Go” segment ng show ang ie-enjoy nila kasama ang kanilang mga alagang sina Meme at MakMak.

Bukod kay Angeline na bida sa upcoming Star Cinema film na “Born To Love You,” magdadagdag aliw rin  sa Sarah G. Live ang mga bida ng hit teen shows ng ABS na sina Ella Cruz ng Aryana at Miles Ocampo ng Luv U kasama ang mga child wonders na sina Xyriel Manabat at Mutya Orquia na may inihandang smash-up dance number.

Samantala, guest co-host naman ni Sarah tonight si Zaijian Jaranilla kasama pa ang former child wonder at Asian sensation na si Aiza Seguerra.

Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS ngayong gabi na Sarah G. Live after Rated K.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending