Malaking tsimis | Bandera

Malaking tsimis

Bella Cariaso - March 22, 2015 - 03:00 AM

BINULABOG ng isang malaking tsismis ang mga taga media Biyernes ng gabi, partikular na ang mga reporter na nagku-cover sa Malacañang. Nakatanggap kasi sila ng text message na nag-collpase daw si Pangulong Aquino.

Galing ang unang text mula sa isang reporter mula sa telebisyon hanggang sa umikot at kumalat na rin ito sa iba pa hanggang sa social media.

Ito’y nagsimula lamang matapos umanong makakuha ng impormasyon ang reporter na nag-collapse si Aquino. Agad din naman niyang i-tinext si Presidential Spokesman Edwin Lacierda para beripikahin ang balita.

Dali-dali namang sumagot ang Kalihim at sinabi na isa lang itong malaking tsismis.

Nagdesisyon pa rin ang reporter na i-tweet ang umano’y pagko-collapse ni PNoy at ang sagot ni Lacierda na nagtatanggi naman sa ulat.

At iyon na nga, nag-trending ang balita sa diumano’y pag-collapse ni PNoy. Umingay nang umingay ang balita sa social media at hanggang kahapon ng umaga ay balita pa rin ito.

Sa pahayag ni Lacierda, sinabi niya na personal niyang kinausap si Pangulong Aquino kaugnay ng mga tsismis. Mariin naman daw itong pinabulaanan ni Aquino at sinabing “no such thing”.

Nanawagan naman si Lacierda sa media na tiyakin na ang ipinapakalat na impormasyon ay tama.

Lumalabas naman ayon sa pag-amin ng reporter na galing ang kanyang impormasyon sa isang kampo.

Para naman pabulaanan ang naturang kumalat sa social media, binalak pa ni PNoy na dumalaw sa New Executive Building (NEB) kahapon kung saan naman naroon ang Press Working Area.

Dahil nga Sabado at wala namang dadatnan na miyembro ng media si PNoy sa NEB, nagdesisyon na lang siyang ikansela ang iskedyul.

Ano ba ang aral sa nangyari? Sa parte ng mga miyembro ng media, obligasyon ng bawat isa na tiyakin na katotohanan ang iniuulat dahil sa laki ng epekto nito sa publiko.

Nakita rin natin ang impluwensiya ng social media lalo na ang isyung pinag-uusapan dito ay ang kalusugan ng Pangulo.

Sa parte naman ng pangulo, dahil sa pangyayaring ito, mainam na rin na ipakita ng Palasyo na malusog si PNoy sa pamamagitan ng pagsasailalim sa general checkup.
Lahat naman ng responsableng Pinoy, maging kaalyado o hindi, ay hindi mag-iisip na may mangyaring masama sa isang pangulo ng bansa.

Kung hindi totoo ang naipakalat ng reporter, masasabi na nga natin na malapit na ang eleksyon kung saan gumagalaw na ang mga partido.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero maigi naman iyon kung hindi nga nag-collapse si PNoy. Pero ang tanong baka naman ang tinutukoy na nag-collapse ay ang kanyang administration?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending