SSS pension di pa nakukuha | Bandera

SSS pension di pa nakukuha

Liza Soriano - March 20, 2015 - 03:00 AM

NAG file na ako para sa aking retirement o pension noon pang Oktubre 9, 2014 pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakukuha ang aking pension. Nais kong humingi ng tulong sa Social Security System sa pamamagitan ng inyong column.
Malaking tulong din ang makukuha kong monthly pension para makatulong sa anak kong nag-aaral pa. Sana ay ma-tulungan ninyo ako sa a-king katanungan.
Cynthia
REPLY: Sa aming record Gng. Cynthia sa iyong SSS no. ….140-8, lumalabas na noon pang Nobyembre 2014 ay naipasok na sa iyong ATM card ang iyong monthly pension.

May P1,414.35 ang iyong makukuhang monthly pension plus P250 para sa minor mong anak at sa kabuuan, ito ayP1,664.351 lahat.

Subukan mo na i-check ang iyong ATM card maging ang iba pang buwan na hindi mo nakuha ay nakapasok na rin. Kung sakali naman na hindi pa ito naipapasok sa iyong ATM card ay maaaring magpunta sa bangko kung saan ka nag -open ng account at sumangguni sa bank officer.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan. Magandang araw.

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending