Binay-Poe pa rin- Pulse Asia | Bandera

Binay-Poe pa rin- Pulse Asia

Leifbilly Begas - March 17, 2015 - 04:46 PM

Kung ngayon ginawa ang eleksyon, ang mananalo ay sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Sa tanong kung sino ang kanilang iboboto kung ngayong isasagawa ang eleksyon, sinabi ng 29 porsyento na si Binay ang iboboto nilang presidente. Mas mataas ito sa 26 porsyento na naitala sa survey noong Nobyembre.
Pumangalawa naman si Poe na may 14 porsyento mula sa 18 porsyento na sinundan ng kanyang ninong na si Manila Mayor Joseph Estrada na nakakuha ng 12 porsyento mula sa 10 porsyento.
Sumunod naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakapagtala ng 12 porsyento. Ito ang unang pagkakataon na isinama siya sa survey.
Nakapagtala naman si Sen. Miriam Defensor Santiago (9 porsyento), Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos (6), DILG Sec. Mar Roxas (4), Sen. Francis Escudero (4), Sen. Alan Peter Cayetano (3), Sen. Antonio Trillanes (2), dating Sen. Panfilo Lacson (1) at dating Sen. Dick Gordon (1).
Sa pagkapangalawang pangulo, si Poe ay nakakuha ng 29 porsyento, bumaba mula sa 33 porsyento sa mas naunang survey.
Pumangalawa naman ni Escudero (16 porsyento), Cayetano (13), Duterte (11), Marcos (11), Trillanes (6), Sen. Jinggoy Estrada (4), Sen. Franklin Drilon (3), Sen. Ramon Bong Revilla Jr., (2) at Camarines Sur Rep. Leni Robredo (0.4).
Ang 15 namang posibleng manalo sa pagkasenador ay sina Sen. Tito Sotto (59.3 porsyento), Lacson (58.3), Marcos (47.2), dating Sen. Kiko Pangilinan (44.7), Drilon (44.1), Sen. Ralph Recto (43.9), dating Sen. Juan Miguel Zubiri (40.2), Justice Sec. Leila de Lima (36), Sen. Serge Osmena (36), Gordon (35.5), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (33.1), dating Sen. Jamby Madrigal (33.1), Sen. TG Guingona (29.8), Taguig Rep. Lino Cayetano (29.7), at Sarangani Rep. Manny Pacquiao (29.5).
Ang survey ay ginawa mula Marso 1-7 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Binay

Binay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending