Willie, mga big boss ng GMA ang kausap sa bagong show
WALA pang maibigay na detalye ang mga lady executives ng GMA Network tungkol sa nababalitang programa ni Willie Revilame sa Kapuso station.
Kalat na kalat na kasi ang chika na sa GMA mapapanod ang bagong show ni Willie, tapos na raw ang negosasyon sa pagitan ng kampo ng TV host-comedian at ng mga big bosses ng Siyete.
Sa katunayan, halos araw-araw nang nagmi-meeting ang production staff ni Willie para sa mga segments ng programa.
Kanina, nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang mga executives ng GMA, sa pangunguna ni Lilybeth
Rasonable, Senior VP for Entertainment, at inamin nila na wala pa silang idea kung ano ang magiging programa ni Willie sa istasyon dahil hindi sila ang naka-assign para rito.
Paliwanag ni Ms. Lilybeth sa unit ni Joey Abacan, ang head ng Program Management ng network dumaan ang negosasyon tungkol sa paglipat ni Willie sa GMA dahil blocktimer nga ang production ng dating Kapamilya na naging Kapatid at ngayon nga ay magiging Kapuso na.
“You know what, hindi talaga namin alam, hindi kasi kami kasali sa usapan. Ibang level yung negotiation tsaka hindi kami ang magpo-produce – blocktimer kasi, like sa Eat Bulaga and Maynila,” paliwanag ng GMA executive.
Samantala, hindi naman diretsong kinumpirma ng mga GMA bossing kung si Megan Young na ang magbibida sa remake ng Marimar na dating pinagbidahan ni Marian Rivera.
May mga lumabas kasing balita na pinagpaplanuhan na ang pagbabalik ni Marimar at isa nga si Megan sa napipisil para rito.
Pero sey nga ni Ms. Lilybeth, may proseso pa raw ito kaya hindi pa nila masasagot.
Sa pagkakaalam naman namin,magkakaroon pa ito ng audition tulad ng ginawa nila noon kung saan si Marian nga ang napili bilang Marimar.
Pero maraming netizens ang nagsabi na bagay na bagay kay Megan ang nasabing role kaya sana nga siya ang ipriority ng GMA para sa nasabing proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.