Atleta Ako women’s aquathlon lalarga sa Marso 22
GAGAWIN sa Linggo, Marso 22, ang kauna-unahang Atleta Ako Women’s Aquathlon sa Philsports Complex sa Pasig City.
Mga babae na edad anim na taon hanggang 45-anyos pataas ang puwedeng sumali at layunin nito ang pagningningin ang selebrasyon ng Women’s Month.
Inorganisa ito ng BikeKing sa pangunguna ni Raul Cuevas at handog ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ni women-in-sports commissioner Akiko Thomsom-Guevara.
Si Thomson-Guevara na isang tanyag na swimmer noong atleta pa ay inaasahang sasali sa swim-run event na suportado ng Atleta Ako, Klean Kanteen, Certified Calm, Arena, Neutroena, Robinsons Supermarket, Del Monte, Rexona, Comark, Merrel, Crayola, Gatorade at David’s Salon.
Ang mga batang sasali ay may magkakaibang distansyang paglalaruan at ang 7-8 ay sa 50m swim-800m run; ang 9-10 ay sa 100m swim-800m run; ang 11-12 ay sa 200m swim-1.6k run; ang 13-14 ay sa 300m swim-2k run habang ang 15-17 ay sa 400m swim-3.2k run.
Sa mga may edad na kalahok, maaari silang mamili sa Standard distance na 400m swim-6k run o sa Petite na 300m swim-3.2k run.
Mga medalya ang makukuha ng mga mangungunang tatlong finishers sa karerang binigyan pa ng ayuda ng Nike Women, Century Tuna, Gardenia, Nestle Temptations, Unilab Active Health, WeatherPhilippines, EZ Laces, Flipbelt at Watsons.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.