'Dakila ang pagmamahalan nina Albert at Liezl!' | Bandera

‘Dakila ang pagmamahalan nina Albert at Liezl!’

Cristy Fermin - March 16, 2015 - 02:00 AM

albert martinez

Kay Tita Dolor Guevarra namin natanggap ang balitang pumanaw na si Liezl Martinez nu’ng Sabado nang umaga. Pagkabigla ang una naming naramdaman dahil sa aming pagkakaalam ay matagal nang idineklarang cancer-free ang misis ni Albert Martinez at kaisa-isang anak nina Romeo Vasquez at Amalia Fuentes.

Wala ring mga kuwentong lumalabas tungkol sa kanyang sakit, napakatahimik ng pamilya, palaging positibo ang isinasagot ni Albert kapag tinatanong ito tungkol sa sitwasyon ng kanyang misis.

Dakila ang pagmamahalan nina Albert at Liezl. Ipinaglaban nila ang kanilang relasyon dahil kontrang-kontra nu’n si Tita Nena sa kanilang pagmamahalan.

Matagal silang nanirahan sa Amerika, nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Alyanna, Alfonso at Alyssa. Kasama nilang nanirahan-nagtrabaho sa Amerika ang dating mag-asawang William Martinez at Yayo Aguila.

Sa kabila ng pagtutol ng mommy ni Liezl sa kanilang relasyon ni Albert ay naging matatag sila. Marespeto, lalo na, dahil kahit ano pa ang sabihin ng beteranang aktres laban sa kanila ay wala kang maririnig na komento mula sa mag-asawa.

Naging pribado ang ilang dekadang relasyon nina Albert at Liezl, napanatili nila ang katahimikan ng buhay sa kabila ng pagiging artista nila, kaya nang lumabas ang balitang patay na si Liezl ay nabigla ang buong mundo ng showbiz.

Hindi na nagising si Liezl mula sa kanyang pagtulog, mapayapa ang kanyang pamamaalam, hanggang sa pinakahuling sandali ay napanatili nila ni Albert ang kapribaduhan ng kanilang buhay.

Ang taos-puso po naming pakikiramay sa lahat ng mga naulila ni Anna Lisa Sumilang Martinez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending