LLOYDIE matindi ang problema, SHAINA sawang-sawa na | Bandera

LLOYDIE matindi ang problema, SHAINA sawang-sawa na

- May 21, 2012 - 04:10 PM

Bakit nga kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay?

Masyado bang malalim ang naging ugat ng kanilang break-up?

Matindi ba ang namagitang away sa pagitan nila kaya humantong na naman sa hiwalayan ang lahat?

Marami ang nagsasabi na mukhang si John Lloyd nga ang may problema, kung nu’ng una raw ay tinanggap at pinatawad siya ni Shaina sa mga naging pagkukulang at kasalanan niya bilang boyfriend, this time, mukhang ayaw na talaga ni Shaina na makipagbalikan kay Lloydie.

May naglabasang chika na dahil daw sa pagiging playboy at pagiging lasenggo ni Lloydie kaya sila naghiwalay, pero may nagsasabi naman na grabe lang ang pagiging selosa ni Shaina kaya hindi na natagalan ng aktor.

Pero mas marami ang naniniwala na ang pambababae raw ni Lloydie ang dahilan ng lahat.Well, hintayin na lang natin kung kalian sila magiging handa para ibandera sa publiko ang katotohanan.

Samantala, mukhang true to life rin ang nagaganap sa afternoon series ni Shaina (bilang si Sarah) sa ABS na Kung Ako’y Iiwan Mo. Tuluyan na nga siyang pinagtaksilan ng kanyang asawang si Paul (Jake Cuenca).

Sunod-sunod na dagok sa buhay ang hinaharap ni Sarah sa kuwento.

Matapos makaranas ng pangmamaltrato mula sa biyenan nitong si Elvie (Gloria Diaz) ay buong tatag niyang hinarap ang nakagugulat na pagkamatay ng anak nila ni Paul (Jake).

At sa gitna ng pagluluksa, susubukin ng layo nila sa isa’t isa ang kanilang pagmamahalan lalo na at nabuhayan na ng loob si Mia (Bangs Garcia) na bawiin kay Sarah ang kanyang ex-boyfriend.

Ano ang gagawin ni Sarah sakaling matuklasan niyang ang tanging lalaking minahal niya ay pinagtataksilan siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan lahat ng kasagutan sa Kung Ako’y Iiwan Mo, 3:30 p.m. after Mundo Man ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending