Willie maraming pasabog sa bagong show ng GMA 7 | Bandera

Willie maraming pasabog sa bagong show ng GMA 7

Julie Bonifacio - March 13, 2015 - 03:00 AM

WILLIE REVILLAME

WILLIE REVILLAME

KINUMPIRMA sa amin ng kilalang dancer/choreographer na si Ana Feliciano na tuloy na tuloy na ang bagong show ni Willie Revillame sa GMA 7 na magsisimula sa darating na Mayo.

In fact, panay na raw ang meeting nila for the new show ng controversial TV host para sa magiging pasabog nila next month.

Si Ana ang choreographer at isa sa mga personal staff ni Willie sa kanyang TV production. Una namin siyang nakita sa grand opening ng bagong dance studio na Footworks na pag-aari ng kanyang anak na si Rupert Feliciano at mister ng dating Showgirl na si Apreal Tolentino sa Katipunan Avenue, Milagros, Proj. 4, QC.

Nagkita kami ulit sa presscon ng bagong primetime offering ng TV5 titled Rising Stars Philippines hosted by Ogie Alcasid and Venus Raj with Mico Aytona na magsisimula na ngayong Sabado, March 14.

Kasama si Ana at iba pang staff sa show ni Willie dati sa TV5 para sa Rising Stars. Mga Hungarians daw ang pasimuno sa show na ‘to ng TV5 at isa naman ang very close kay Willie at talent manager na si Weyee ang tumulong para maiere sa local network.

Actually, matagal nang binabanggit ni Weyee sa amin ang programang ‘to and finally, mapapanood na siya sa Happy Network.

Game changing daw ang concept and a refreshing way to engage ang ipo-provide ng show sa audience sa pamamagitan ng kinagigiliwang past time ng mga Pinoy, ang karaoke. Magsisilbing judges naman sina Jimmy Bondoc, Soul Siren Nina and DJ/love guru Papa Jack.

“We have a lot of singing contests but this is unique. It’s a great app for auditioning. Ang advise ko lang sa mga contestant, you have to start from somewhere to get somewhere. Give your best. Singing is a journey. If you don’t make it, it’s not the end,” sabi pa ni Ogie.

Nakausap namin ang handler/road manager ni Ogie na si Rey Lanada sa presscon ng Rising Stars at ayon sa kanya hanggang 2016 pa ang kontrata ng singer/composer sa TV5. Meaning, kabilang pa rin si Ogie sa mga malalaking artista na mapapanood sa Happy network kahit na nga ‘yung iba ay nag-alisan na.

“Nakakalungkot din, syempre. Kami na lang ni Derek (Ramsay) ang nandito. Kaya minsan, ako na lang din ang nagbabalita.

Pati sa PBA, ako na lang ang nagba-basketball. Ako na rin ang gumagawa ng weather report. Nami-miss ko sila. Pero sadyang ganoon. Hindi ko alam ang puno’t dulo ng mga pangyayaring ‘yan pero nakakalungkot na wala na sila,” seryosong biro ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Committed pa rin daw siya sa TV5 at sa boss nila na si Manny Pangilinan. Kahit ano raw ang mangyari tutulong siya sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending