Robin pinipilit si Duterte na tumakbong Pangulo sa 2016 Bandera

Robin pinipilit si Duterte na tumakbong Pangulo sa 2016

Ervin Santiago |March 09,2015
share this

Robin pinipilit si Duterte na tumakbong Pangulo sa 2016

Ervin Santiago March 09, 2015 - 08:17 PM

rodrigo duterte
PERSONAL na nakipagkita si Robin Padilla kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte para pilitin itong tumakbo sa 2016 elections.
Kumalat sa social media kahapon ang Instagram photo na ipinost ni Binoe kung saan makikita ang pakikipagkita niya kay Duterte, kasama pa ang kapatid na si Rommel Padilla.

Nilagyan ito ng action star ng caption na: “And his words will soon be Flesh…Katipunan, the dream must now be realized… Let the Punisher begin.”

Ayon sa ulat, nagtungo ang grupo ni Robin sa Davao para personal na makipag-meeting kay Duterte nitong nakaraang Sabado para hikayatin ang alkalde an tumakbo bilang pangulo sa eleksiyon 2016 para mas mapalawak nito ang kampanya laban sa corruption, droga at krimen.

Kasabay nito, kinausap din ni Binoe si Duterte para sa plano niyang pagsasapelikula ng buhay ng Davao mayor, pero agad-agad daw tumanggi ang politiko.

Nagbiro naman daw ang alkalde na kaya ayaw niyang gawing pelikula ang life story niya dahil maraming kailangang  leading ladies. Hindi ito ang unang pakakataon na may nakipag-usap sa mayor para gawing pelikula ang kanyang makulay at kontrobersiyal na buhay.

Sa katunayan, pati ang mga organisasyon na gustong magbigay ng award sa kanya ay hindi niya pinagbibigyan, “I am just doing the job which the people of Davao wanted me to accomplish,” anito sa isang interview.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending