Direktor ipinagtanggol ang akting ni Xian Lim
Nilinaw ni Direk Richard Somes ang mga isyung bumabalot sa cast ng bago niyang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Bridges of Love.
Originally, sina Jericho Rosales, Maja Salvador at John Lloyd Cruz ang bida rito. Pero nawala si John Lloyd at ipinalit si Xian Lim. Until nagkaroon ulit ng kontrobersya sa pag-alis naman ni Xian sa cast.
“A, oo. Pero hindi tinanggal. Desisyon ‘yun ng management, kasi syempre, maraming demands kasi din ang ibang artista sa ibang show nila, lalo na pati ‘yung fans.
So, para lang ma-cater ‘yung tight na schedule, nilipat na lang sa ibang show,” esplika ni Direk Somes.Hindi raw totoo na kaya nawala si Xian sa Bridges of Love ay dahil ‘di nito nakayanan ang demands ng role niya, “Ah, hindi,” pagsang-ayon ni Direk Richard. “Yun nga, in-demand siya ng fans na magsama ulit sila ni Kim Chiu kaya pinul-out siya.”
Hindi rin daw true na ‘di makasabay si Xian sa level ng acting ni Jericho, “That’s not true. Na-shoot ko si Xian for several days. Wala akong nakita na ganoon.”
Anyway, masidhing kwento tungkol sa pagibig, pagkatao at pamilya ang ibabahagi ng pinakabagong powerhouse drama show ni Direk Richard na Bridges of Love na magsisimula na sa Primetime Bida ngayong gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.