Ate Vi inireklamo ng mga Batangueno; kinampihan si Ate Guy
NU’NG Sabado ng gabi ay sinamahan namin ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na mag-judge sa Parade of Lights sa Tanauan City, Batangas with our Pare Ng Bayan Michael Pangilinan who rendered two songs right after naming mag-judge.
Pinaunlakan namin nina Mama Guy at Michael ang paanyaya ng butihing alkalde ng Tanauan City na si Thony Halili along with our dear friends sa Rotary Club of Tanauan dahil isa nga ako sa honorary members nila.
Napakasaya ng okasyon – lahat ng tao ay nagsiksikan makalapit lamang sa mahal nating Superstar. Iba talaga ang dating ni Mama Guy. Merong isang baklita roon na mangiyak-ngiyak na niyapos ang Superstar – na parang santa ang turing niya kay Bulinggit.
Nakakatuwa yung baklitang iyon – kung hindi pa siya pinakiusapan ng mga security na bumaba na ng stage dahil hindi na halos makahinga si Mama Guy sa sobrang siksikan ng mga tao, baka hanggang ngayon ay nandoon pa sa stage ang bading. Ha-hahaha!
“Nasaan si Gov. Vilma Santos? Bakit wala siya rito? Di ba dapat nandito siya dahil siya ang gobernador ng Batangas? Napakalaking chartered city nila itong Tanauan para hindi niya pahalagahan,” pagtataray ng isang taga-TV na nandoon that night.
“Ilang beses namin siyang inimbitahan in the past sa iba’t ibang okasyon dito sa Tanauan kaya lang palagi siyang hindi available. Hindi ko lang alam kung inimbitahan siya ulit ni Mayor Halili ngayon,” sagot ng isang kakilala namin.
Kungsabagay, mahirap namang pilitin si Vilma kung ayaw niya. Palagi namang may dahilan ang kanilang gobernadora eh, napakadaling sabihing may previous commitment na siya kaya hindi siya makadalo – or puwede rin niyang sabihing sumakit ang tiyan niya at hindi makabangon or migraine kaya.
Pwede rin niyang sabihing meron siyang dadaluhang kasal at binyag o lamay kaya – in short, kung gusto may paraan pero kung ayaw, maraming dahilan, di ba?
Pag panahon lang daw ng eleksiyon siya bakante – kahit busy she finds time to visit them. Siyempre, kailangan niya ng malaking boto pero I don’t think mahal pa siya ng Tanauan.
“Mas mabuti pa si Nora Aunor na hindi taga-Tanauan, nagbigay oras siyang dumalo sa masayang Parade of Lights namin. Mas maganda sana kung nandito rin si Vilma para mas lalong okay – tiyak riot dito kung nagkita sila. Nakita niyo naman kung gaano kasaya ang mga tao nang makita si Nora, nu’ng makamayan nila ang cute na Superstar.
“Maganda pala siya in person, ‘no? Akala ko maitim sobra, tama lang pala ang pagka-morena niya. Maganda siya actually – mas maganda siya in person kaysa sa mga pelikula niya,” sabi ng isang naging instant fan ni Mama Guy.
Almost 30 floats ang naglaban-laban nu’ng gabing iyon sa Tanauan – ang gaganda ng mga ilaw ng mga float – talagang pinag-isipan at ginastusan. And mind you, hindi lang si Mama Guy ang pinagkaguluhan sa Tanauan that night – oh no! Grabe ang pagdumog kay Michael Pangilinan doon.
Right after ng pag-judge namin ay nalambing nilang magpaunlak ng kahit dalawang songs si Michael sa stage. Ang unang balak sana ni Michael ay bababa siya sa kalsada para makakilos siya at makadrama sa kaniyang audience kaya lang, malabong mangyari ang inaasam niyang makababa dahil dumog ang mga tao sa harap ng stage.
“Nakakatuwa itong si anak Michael ha, hindi naman siya ganyan kahusay kumanta dati. Magaling na siya noon pa pero ibang klase na siyang mag-perform ngayon ha.
Nakaka-proud. Tingnan mo, may papikit-pikit pa – binatang-binata na talaga,” pagmamalaki ni Mama Guy habang kinakantahan ni Michael ang audience na walang puknat ang kasisigaw sa tuwa.
Sa totoo lang, bilang nanay-nanayan niya, tumataba madalas ang puso ko tuwing naririnig ko ang mga reaksiyon at komento ng mga tao every performance ni Michael.
Talagang marunong na siyang mangarinyo ng audience. And his voice – whew! Lalong gumagaling at nagiging stable sa pandinig ng kaniyang followers.
Ang nakakaloka ay nu’ng pababa na nga kami ng stage. Dahil sa hindi makayanan ng security ang mob kina Mama Guy and Michael, nagkahiwalay kami ng puwesto.
Naitakas ko si Mama Guy sa roaring crowd samantalang si Michael ay nasuong sa isang makapal na crowd along with newbie Gian Magdaluyo. Tumakbo kami ni Mama Guy papunta sa kotse ko at paglingat namin wala na sina Michael.
Nagtawagan kami and we decided na doon na lang magtagpo sa city hall ng Tanauan tutal doon naman naka-park ang kotse ni Michael. Nauna kaming dumating sa city hall and maya-maya lang ay dumating na rin si Michael sakay ng isang motor.
“Mabuti na lang at may motor ang isang security kaya agad niya akong isinakay dahil hindi kami makalabas-labas sa dami ng tao. Ang saya pero nakakapagod makipaghabulan pala.
Ha-hahaha!” kuwento ni Michael na talagang nag-enjoy sa piling ng kaniyang mga tagahanga sa Tanauan. Hay naku, kung nandoon lang kayo, matutuwa kayo dahil minsan sa buhay ng mga taga-Tanauan, binulabog sila ng nag-iisang Himala na si Ms. Nora Aunor. Sinamahan pa siya ng Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan, saan ka pa, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.