MUKHANG hindi na gumaganda ang takbo ng pag-iisip ni Cong. Manny Pacquiao.
Mukhang lumilihis na siya sa paniniwala ng isang ordinaryong tao.
Natuto lang humawak ng Bibliya ay tila lumalagpas na siya sa boundary ng pagiging makatao.
Nu’ng una naming narinig that Pacquiao learned to read the Bible, natuwa kami.
That’s an honest to goodness reaction from many of us.
Kasi nga, dahil Katoliko kami, nakakatuwa dahil napakalaki nga ng ipinagbago niya at unti-unti naman nating nakikitaan ng kabutihan sa simula.
Though hindi pa naman niya napi-perfect ang pagsunod sa Batas ng Diyos via the Holy Bible ay oks na rin sa amin, ang mahalaga ay unti-unti niyang nababago ang buhay niya, naalis niya unti-unti ang mga dating bisyong mali – ang pambababae na muntik na nilang ipaghiwalay ng kanyang asawang si Jinkee; ang pagsusugal nang walang patumangga (pagtatapon ng milyun-milyong salapi sa casino, sabong, billiards, basketball, etc.), at kung anu-ano pang bisyo. Talagang seryosohan daw ang pagbabagong ito ni Pacman na ikinatuwa naman ng marami.
Pero mukhang nalalagay na naman siya ngayon sa alanganin, kinastigo kasi niya ang mundo ng kabadingan.
Kinontra niya ang pagpayag ni US Pres. Barrack Obama sa same-sex marriage sa Amerika, ang bansang iba naman ang paniniwala sa bansa natin.
Pinakialaman iyon ni Pacquiao who is every inch a Pinoy.
Kasi nga raw, bawal daw iyon ayon sa salita ng Diyos – na dapat daw ang lalaki ay sa babae lang ikinakasal.
Sa totoo lang, tama naman si Pacquiao doon – matagal na nating alam iyon.
Na ang babae ay para lamang sa lalaki pero may mga underlying questions na hindi nakasaad sa Bibliya.
Paano ang mga bading? Walang nakasaad tungkol sa kabadingan and for us gays, we believe na we are equally created by God as human beings too.
Wala man sa Bibliya ang karapatan naming lumigaya pero the fact that He gave us rightful minds and normal spirits, inaasahan tiyak ni Lord na kikilos kami ayon sa Kanyang kagustuhan.
Na maging mabuti sa kapwa at sumunod sa mga utos Niya.
Na maging mabuting tao at huwag mang-aapi ng kapwa.
Na maging mabuting mga anak sa aming mga magulang, mabuting kapatid, mabuting kaibigan at mabuting mamamayan.
Hindi naman namin kasalanan kung ipinanganak kaming anyong lalaki pero pusong babae.
Alin ang susundin namin, ang puso naming may damdaming babae o ang katawang lalaki na wala namang silbe pagdating sa aming kaligayahan?
Opo, nagagamit din namin ang aming epektos bilang mga lalaki pero hindi para sa kababaihan kundi sa aming kapwa lalaki.
Kasi nga, bakla kami.
Mahirap namang mandaya, na mag-pretend that we are men when in fact babae ang mga puso namin.
Mas malaking kasalanan naman siguro ang magkunwaring nagmamahal kami ng babae gayong hindi naman.
Pareho naming niloko ang aming mga sarili at ang babaeng biktima ng pagkukunwaring ito, di ba?
And we are human beings too, like Pacquiao, that, if he is too.
Masakit ang pinaalala sa atin ni Pacman, na ang mga bakla ay dapat sinusunog at pinapatay.
Saan nanggaling ‘yun, ha, Manny?
Doon kami nagalit! Hindi mamamatay-tao ang Diyos.
Ang Diyos ay lubos na mapagmahal, ang Diyos ay lubos na mapang-unawa.
Kung paano Niya kami pinayagang maipanganak sa mundong ito at kung paano kami hinulma ng pagkakataon ay tanging Siya lang ang nakakaalam.
No one has the right to malign us, to deprive us of life and the right to love. If you can’t take us, shuttttttt uppppppp!!!
Pinapaalala ko lang kay Manny Pacquiao, we met an old gay who worked for a beauty parlor somewhere in Sampaloc.
Yes, matanda na ang bading and still very much alive.
Nagkuwento siya that during Manny Paquiao’s “hikahos” days,
Manny lived with him there. Minahal niya si Manny at pinagsilbihan.
Tinustusan niya ang mga maliliit na pangangailangang pampinansiyal.
Ang nag-aruga sa kanya ay ang kaibigan niyang bakla na ngayo’y gusto niyang masunog at mamatay dahil naaayon daw sa Bibliya?
Nakalimutan ni Manny na minsan sa buhay niya ay dumaan siya sa isang karanasang minahal din ng isang baklang tulad namin.
Porke ba mayaman na siya at sikat na sikat he gets the license para tumira nang parang loose canon dahil iyon ang napag-alaman niya na ayon sa Bibliya?
Inuulit ko, hindi masama ang maging follower ng Bible at kung ito’y makatutulong sa iyong pagbabago, go for it.
Pero walang sinasabi ang Panginoon na puwede kang manghimasok sa buhay ng may buhay.
Anyway, Pacquiao is losing so many followers now. He is now condemned by millions and millions of Americans.
Kahit hindi bading ay galit sa kanya ngayon. In fact, his international endorsement na Nike is being urged to drop him.
E, kasi nga, kung anu-ano na ang mga pinagsasasabi niya na parang hindi muna niya iniisip bago niya sabihin.
Hay naku, ayoko nang mag-comment further at napapagod na ako. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.