Julia: Bakit ko naman gagamitin ang tatay ko!?
In fairness, marunong nang sumagot ngayon sa mga controversial questions si Julia Barretto, naitatawid na niya nang marespeto ang mga isyung kinasasangkutan niya kaya naman puring-puri siya ng entertainment media sa presscon ng kanyang nalalapit na debut.
Unang sinagot ng dalaga (she’s turning 18 on March 10) ang tungkol sa pagtatanggal ng apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia sa kanyang pangalan.
“It’s the first time I will be speaking about it. I feel that right now there’s really no need to change my last name,” chika ng young actress.
Noong nakaraang taon kasi kumalat ang balita na desidido na siyang palitan ng Barretto ang kanyang apelyido pero puro lait at kanegahan ang inabot niya.
Napag-usapan daw nila ito ng kanyang tatay nu’ng makipag-ayos na siya sa komedyante matapos magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.
Dinenay naman ni Julia na gimik lang ang pakikipagbati niya kay Dennis, at isa lang daw itong damage control para sa kanyang career.
“How can they even think that way? How can you think that a young child wants to get everything okay again with her own father just for publicity? I can’t even embrace that thought,” paliwanag ng dalaga.
Dugtong pa nito, “He is my dad. Why wouldn’t I want to be okay with my dad and have him there sa special day ko? I made up with him because I want to be okay with my own father not for anybody.”
Kumpirmadong darating si Dennis sa debut ni Julia, “Gift na talaga ‘yung presence ng father ko sa debut ko, that’s really enough. With my mom, she’s given way too much to even ask anything from her. She’s even hands-on sa debut. Siya ang mas pressured.
Feeling niya mas magre-reflect sa kanya. Siya ang mas tense.”
Si Inigo Pascual ang magiging last dance ni Julia sa 18 Roses ng kanyang debut pero anang dalaga, wala pa raw namamagitan sa kanila ng anak ni Piolo Pascual, sobrang close lang daw talaga sila ng binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.