Paulo Avelino, Kc Concepcion naghiwalay na Bandera

Paulo Avelino, Kc Concepcion naghiwalay na

Ervin Santiago |March 03,2015
share this

Paulo Avelino, Kc Concepcion naghiwalay na

Ervin Santiago March 03,2015 - 06:19 PM

paulo avelino

TOTOO nga bang hiwalay na agad ang rumored couple na sina KC Concepcion at Paulo Avelino?

Kumalat sa social media ang balitang nag-break na ang dalawang Kapamilya stars matapos mag-post sa kanyang Instagram account si KC na tila nangungulila sa isang taong malapit sa kanyang puso.
Kaya naman sa presscon ng bagong Primetime Bida series ng ABS-CBN na Bridges of Love kanina na pinagbibidahan nga nina Paulo, Jericho Rosales at Maja Salvador, isa ito sa naitanong kay Paulo.
Nu’ng una, nagulat pa ang aktor sa balita, “Huh? Parang wala pa namang inaamin na naging kami, tapos break kaagad? Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”
Hindi pa raw nababasa ng binata ang post ni KC sa kanyang IG account kaya aniya, “Check ko mamaya sa Instagram! Actually, siguro po medyo napa-flood palagi, ang dami ko kasing pina-follow na kung anu ano.”
Open pa rin naman daw ang communication nila ng aktres, pero hanggang du’n lang daw muna ang maikukuwento niya tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni KC.
Dagdag pa niya, talagang friends lang daw sila ng aktres sa ngayon, kasabay ng paglilinaw sa chika na gimik lang ang ligawang namagitan sa kanila.
“Hindi. Hindi naman siguro (lokohan lang). Sa ngayon, nagpo-focus lang kami sa sarili namin and we’re trying to be better, better people. And siguro, hindi lang siguro talaga panahon ng pag-ibig.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending