Pinoy sa Europa target ng kawatan | Bandera

Pinoy sa Europa target ng kawatan

Susan K - February 27, 2015 - 03:00 AM

MASAYANG nakipagkuwentuhan sa Bantay OCW ang mag-asawang Berly at Luz Tugas mula sa Paris, France na kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas.

Palibhasa’y mahigit 20 taon nang nanirahan sa France kung kaya naobserbahan din nila ang galaw ng bawat Pinoy doon, pati na rin kung ano ang pagkakilala nila sa mga Pinoy.

Madaling makilala ang mga Asyano sa France. Kahit na magkakamukha ang mga Pilipino sa ibang Asyano, ibang-iba naman daw ang pag-uugali ng mga Pinoy.

Unang-una na rito, maporma ang mga Pinoy. Magaling magbihis at talagang branded pa ang suot. Lagi ring may dalang cash sa bulsa at laging mabango.

Madaling matutukoy kung sino ang Pinoy sa mga umpukan dahil sa nabanggit na mga kata-ngian.

Ang sabi ng mag-asawa, hindi rin daw mabuting katangian ang mga iyon dahil kadalasan mas maporma pa raw ang Pinoy kaysa sa kanilang mga amo. Kung magsuot ng mga damit at alahas ang Pinoy, siguradong totoo at hindi fake. Hindi katulad ng mga ibang lahi, na mas sanay magsuot ng fashion jewelry na hindi genuine.

Hindi magandang katangian iyon dahil nakakapang-akit ito ng masasamang loob.  Kaya laging target ang mga Pinoy ng mga kawatan.

Alam ng mga ito na kapag Pinoy ang nanakawan, sigurado silang genuine o di peke ang makukuha nila sa mga ito.  Bukod pa rito, laging may cash na dala ang Pinoy.

Ang mga Pinoy sa France ay di gaya ng ibang lahi na pawang credit card ang dala kaya iwas sa mandurukot.
Pero kapag Pinoy ang nadukutan, tiyak magiging masaya ang mandurukot dahil hindi sila masi-zero.

Nagpadala ng reklamo sa pamamagitan ng Facebook ang isang dayuhang among babae na hindi naman klinaro kung ano ang kanyang lahi, ngunit binanggit niyang kasalukuyan siyang naninirahan sa Singapore.

Nabasa lamang niya sa Inquirer.net ang mga artikulo ng Bantay OCW at agad siyang nagpadala ng mensahe sa amin.

Isang Pinay umano ang  naging maid nilang mag-asawa.  At ngayon, ang naturang maid ay karelasyon na ng kanyang mister.

Marami pa umano mga tulad niya ang naagawan ng mister ng mga maid na mga Asyana.

Sa labis na sama ng loob ng naturang employer, tumawag pa siya sa mister ng Pinay OFW sa Pilipinas.

Ipinaalam nitong ka-relasyon na ng misis niya ang mister nito.

Hindi naman umano kumibo ang mister na pinagsabihan. Nagpasalamat na lamang ito sa impormasyon at binabaan na siya ng telepono.

Dahil din sa sobrang galit ng employer na dayuhan, ipinadala pa niya sa Bantay OCW  ang litrato ng OFW na naka-bathing suit pa. At may mga katagang: “This is the woman who broke my life. She is from Davao City.”

Ayon naman kay Atty. Deo Grafil, ang head ng Legal mula sa tanggapan ni Vice President Jejomar Binay, bilang Presidential Adviser on OFW Concerns, maaari namang makapaghabol ng kara-patan ang naturang dayuhan laban sa Pinay OFW at sampahan ng reklamo sa kanilang bansa, pati na rin ang kanyang mister na na-ngaliwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “foreign affairs” nga naman, patuloy na nagaganap saan man sa mundo, kahit na ano pang lahi nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending