Sulat mula kay Mary Grace Cherry Blossom Village, Tambo,
Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Dati akong OFW at ng makaipon ng konting puhunan, nag-try akong magnegosyo, kaya lang lahat ng pinasok kong negosyo ay nalugi. Ask ko lang po wala ba talaga akong suwerte sa pagnenegosyo? At kung wala naman talaga akong suwerte sa negsoyo, tama ba ang balak ko na mag-abroad na lang uli. Maliit na bata palang po kasi ako pangarap ko ng yumaman. May pag-asa pa kaya akong yumaman at sa paanong paraan? January 14, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Mary Grace
Iligan City
Palmistry:
Huli na ng gumuhit ang malinaw na Business Line sa iyong palad (1-1 arrow 1.) pero ang higit na malinaw ay ang Travel Line (2-2 arrow 2.). Ibig sabihin sa panahon ngayon mas mainam na mag-abroad ka ng mag-abroad at pag katapos saka ka na lang magnegosyo kapag tumuntong ka na ng edad na 41, sa ganyang paraan mas madali kang uunad at yayaman.
Cartomancy:
Five of Hearts, Six of Clubs at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing basta’t mag-abroad ka lang ng mag-abroad, hanggang makakaipon ka ng maraming-maraming puhunan at kapag umedad ka nan g 41, sa taong 2021 saka ka mag-negosyo, makikita mo tulad ng nasabi na sa ganyang paraan mas madali kang yayaman.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.