Maraming gagawing ‘milagro’ | Bandera

Maraming gagawing ‘milagro’

Ramon Tulfo - February 26, 2015 - 12:43 PM

NANAWAGAN si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, isang kaalyado ng administrasyon, na patalsikin sina Teresita Deles at Miriam Coronel-Ferrer sa government peace panel dahil sa  diumano’y pagpanig ng mga ito sa mga Moro.

Si Deles ay presidential peace adviser at si Ferrer naman ay head ng government peace panel sa pakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front.

Si Biazon, na dating chief of staff ng Armed Forces at commandant ng Philippine Marines, ay napansin ang pagkiling ng dalawang babae sa MILF sa halip na ipaglaban ang interest ng gobyerno.

“People on the streets, well-known people, everybody is saying it: Ferrer and Deles are acting as lawyers for the MILF,” ani Biazon.

Hindi mahirap na makita ang katotohanan sa alegasyon ni Biazon: Pinagtatanggol nina Deles at Ferrer ang MILF sa Senate hearing at sa kanilang mga interviews.

Tama si Senador Alan Peter Cayetano nang kanyang sabihin sa dalawa sa Senate hearing noong Martes: “Saan ba kayong panig sa peace panel?”

Parang nadala sa matamis na dila ng MILF ang dalawa upang pumanig sa mga Moro.

Kahit na si Brig. Gen. Carlito Galvez Jr., chairman ng government panel sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH), ay para bagang pumapanig sa MILF.

Ang dahilan niyan ay hindi sila taga Mindanao.
qqq
Nagkamali si Pangulong Noy sa paghirang ng mga taong taga Luzon, sa halip na taga Mindanao, na makipag-usap sa MILF.

Alam ng mga taga Mindanao na hindi Muslim ang pamamaraan at pag-uugali ng mga Muslim dahil magkasama sila sa isang
isla.

Ang mga Moro ay makikipag-usap ng kapayapaan sa mga kalaban na mapapantayan ang kanilang pagiging bayolente.

Tingnan mo na lang ang paggalang nila sa mga Amerikano na sumakop sa bansa natin noon.

Tingnan mo na lang ang matinding pagkatakot nila sa mga Ilonggong magsasaka noong kasagsagan ng gera sa Mindanao noong dekada ‘70.

Ang mga Ilonggong magsasaka sa Cotabato ay nagtatag ng grupo na tinawag nilang “Ilaga” na kumatay ng mga rebeldeng Moro at kinain ang kanilang mga atay.

Tingnan mo na lang ang pagyuko nila kay Pa-ngulong Erap na nagdeklara ng total war laban sa MILF.

Sa kagustuhan ng gob-yerno ni PNoy na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao sa ano mang paraan, kahit na matapos katayin ang 44 police commandos, nagmumukhang takot tuloy ito sa mata ng MILF.

Twenty-nine years ma-tapos mapabagsak ang diktador na si Ferdinand Marcos ng People Power sa Edsa, parang wala nang saysay ang spirit of Edsa.

Walang pagbabago matapos mapabagsak si Marcos; matindi pa rin ang corruption sa gobyerno.

Kaya lang mas masahol pa ngayon dahil ang ating lider ay mahina at walang alam sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Minana lang kasi ni Noynoy sa kanyang nanay na si dating Pangulong Cory, ang Malakanyang dahil namatay ito.

Kung hindi pumanaw si Cory ay baka hindi si Noynoy ang pangulo natin ngayon.

Sinayang ni Noynoy ang legacy (kuno) na iniwan ni Cory.

Sinabi kong “kuno” dahil wala naman ding ginawa si Cory noong siya’y presidente kundi makipagmadyong sa kanyang mga amiga pagkatapos ng office hours sa Malakanyang.

Wala ring ginawa si Noynoy noong siya’y kongresista at senador pa. Pakuyakuyakoy lang siya sa Batasang Pambansa at sa Senado noon.

Kaya lang naman siya nahalal na congressman at senator ay dahil sa awa ng tao sa pagpatay ng kanyang ama na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Nahalal na pangulo si Noynoy dahil sa pagkamatay ng kanyang nanay sa sakit na cancer. Sympathy vote ang nakuha ni Noynoy.

At ano ang ginagawa ni PNoy bilang pangulo?

Kayo na po, dear readers, ang makakasagot ng tanong na ‘yan.

Parang napaka-malas naman ng ating bansa.

Kapag pinaalis natin si PNoy dahil wala siyang nagawa, papalitan siya ng kanyang bise presidente na si Jojo Binay na maraming gagawing “milagro.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Diyos na mahabagin, huwag naman po!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending