Paghingi ng tawad ni Xian sa mga taga-Albay Kaplastikan | Bandera

Paghingi ng tawad ni Xian sa mga taga-Albay Kaplastikan

Jobert Sucaldito - February 25, 2015 - 03:00 AM

XIAN LIM

XIAN LIM

INSTEAD na magpasalamat ang ilang bastos na fans ng bastos na idolo nilang si Xian Lim sa ginawang pagpapatawad ng butihing gobernador ng Albay na si Joel Sarte Salceda, tila naghahamon pa sila ng away.

Akala nila ay off the hook na kasi ang idolo nilang walang kasing-tabil ang dila – hindi pa, mga Ineng! He has to perform some more duties para maramdaman ng mga Bicolano na siya’y talagang sincere sa sa panghingi ng dispensa sa pambabastos niya sa mga taga-Albay.

Mga bobang ito – pinalalabas pa nilang tatakbo raw for a higher position si Gov. Joey Salceda kaya nag-iingay. Mga ugok, di ba? Kailan ba nag-ingay si Gov. Salceda? Sa isyu lang na ito siya nagsalita and he has to stress his points dahil ama siya ng rehiyon nila. He has to protect his province mula sa pambabastos ng idolo ninyong mas malamya pa sa baklita.

Dapat nga magpasalamat pa kayo at napatawad na ang bastos ninyong idolo, ‘no! Kahit kami ay nakatikim ng pambabastos ng taong iyan kaya naniniwala kami that he is really lying just to save his face. Huwag nga kayong patay-malisya!

Sa interbyu sa kaniya ni Kuya Boy Abunda sa The Buzz, halatang walang sinseridad ang Xian Lim na iyan sa paghingi ng dispensa pero in the name of decency ay pinatawad siya ni Gov. Salceda, pero sa ilang kondisyon – tutal siya (Xian) na rin ang nagsabing hindi niya kayang bastusin ang mga taga-Albay dahil Bicolano ang tatay niya at ang lola niya and he is willing to promote Albay, puwes panindigan niya ang sinabi niya.

Kasama iyon sa kundisyon ni Gov. Salceda kay Xian as part ng kaniyang penance for insulting their region. Kasi nga ang Tourism office ng Albay ang nainsulto niya nang husto. Hindi ba’t kasama sa pakete ng paglaki natin ang napaparusahan pag tayo ay nagkasala?

Kaya itong mga bobitang fans ng maarte nilang idolong si Xian Lim, magsitigil kayo! Huwag kayong magyabang tulad ng amo ninyong dayuhang Intsik na iyan. Hindi naman Pinoy citizen iyang si Xian kaya sa takot niyang pag-initan at ma-deport ay biglang naghugas-kamay.

Nananadya pa ang mga bobitang ito. Palalabasin pang si Gov. Salceda at ang mga taga-Albay pa ang may kasalanan?

Magaspang naman talaga ang ugali ng starlet na ‘yan, di ba? Ang bilis niyo namang makalimot – last year ay binastos din niya ang isang ka-lookalike ni Kim Chiu sa Chinese New Year event sa Binondo, remember?

Dapat bang ikatuwa ang ganoong ugali ng isang artista? Siyempre hindi, di ba? Kaya manahimik kayong mga walang alam, huwag ninyong pairalin ang kabobohan ninyo, puwede? Kaya dapat magpakamaamong tupa kayo. Huwag magmaangas.

Turuan ninyo ang idolo ninyong rumespeto ng kapwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

O, ano ngayon ang masasabi ninyo? Sige, akala ninyo ay palalagpasin namin ang kabobohan ninyo? Naghahamon kayo, ha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending