Xian Lim mapapatawad ng mga taga-Albay sa nagawang kasalanan sa ‘12 kundisyon’
SALUDO ako sa sobrang kabaitan at lawak ng pang-unawa ng mga mahal nating sina Albay Gov. Joey Salceda at Atty. Carol “Ganda” Cruz.
Kahit pa nga itinaya na namin ang aming pangalan at reputasyon sa pagsasabing mas totoo ang kuwento nila laban kay Xian Lim, very open pa rin nilang tinanggap ang sorry ng aktor.
“At the end of the day, siya naman itong mas mawawalan kesa sa amin. In this business, minsan masakit yung compromise pero you have to do it,” sey ng matalino at mabuti naming kumareng si Atty. Carol na talagang na-hurt sa ginawa ni Xian nu’ng Fiesta Tsinoy Albay.
Hirit naman ni papa Joey na napapayag naming sumagot sa showbiz scandal na ito (first time ever na pumatol siya), “In the spirit of the Lenten season, I will accept his apology no matter how twisted his recollections of events were.
Tayo namang mga Bicolano ay mababait at matalinong maka-intindi sa mga bagay-bagay. What will we gain kung papatulan pa namin si Xian?”
Samantala, naririto ang mga kundisyones na inilatag sa amin ni Gov. Joey na nais niyang iparating kay Xian at sa handler at road manager nito para muli siyang makadalaw sa Bicol.
Sa pamunuan daw ng Star Magic, kailangan daw nilang ipasailalim sa Cultural Enhancement and Tourism Ethics seminar ang mga artista, (kasama na rin ang handlers at road managers) dahil hindi lang rumaraket bilang performers ang mga ito kundi nagsisilbi rin silang role model ng mga kabataan.
“Lahat kasi sila ay may kapangyarihan na maging spokesperson ng tamang behavior at dapat na alam ang proper decorum once na maimbitahan sa mga event, festivals at iba pa na tourism and cultural values ang pino-promote.
They don’t just go there to sing or dance, have photos with fans and sign autographs. Hindi sila binabayaran ng matataas na talent fee para magpakyut at mag-feeling superstar,” bahagi ng paliwanag ni Gov. Salceda.
At para kay Xian, narito ang mala-Amazing Race na hamon sa kanya ng mga taga-Albay na willing isponsoran ng tourism office ng lalawigan (minus the TF na) para mabuksan muli ang pinto sa kanya ng Bicol at para tunay niyang ma-experience ang pagiging isang Bicolano gaya ng sinasabi niyang “ugat” niya na marahil daw ay nakalimutang ipaalala ng kanyang tatay at lola na tubong-Bicol din pala.
1. Visit Lake Danao in Polangui to appreciate the smallest fish, Sinarapan
2. Oas Church, take a picture with the baptistry, year 1600 pa
3. Gen Simeon Ola Museum, the hero of Albay, Guinobatan
4. Visit the sunflower plants and kawakawa hills, Ligao City
5. Cagsawa ruins
6. Do the ATV, Mayon walls
7. Church on the hills, Nuestro Porteria, Daraga
8. Eat sili ice cream
9. Lignon Hills and look at the whole albay, Legazpi City
10. Mayon Rest house, Tabaco City
11. Picture of vera falls and Do the river tubing, Malinao
12. Eat DJC halo halo and pray Nuestra senora de Salvacion, Tiwi
Well, well, mga Kabandera, at kapatid na Ervin, be yourselves the judges, bilang isa ka rin naman sa mga naka-experience ng sarap, ganda at buti ng Bicol!
Hintayin na lang natin kung kakasa si Xian sa mga challenge na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.