Xian Lim kailangang mag-ingat: isinumpa na ng mga taga-Albay
“IKAW kasi eh, dinala-dala mo pa iyan dito!” Ito ang may tila panunumbat-tuksong biro sa amin ng ilang kausap naming opisyal ng Albay hinggil kay Xian Lim at sa kontrobersiyang kinakaharap nito ngayon.
“Excuse me, matagal na yun, noh! Hindi pa siya sikat at mabait pa siyang kausap at nakisama pang bumiyahe sa amin sa coaster kahit na inabot kami ng sampung oras from Manila to Legazpi.
Noon pa yun, mga four years ago na,” ang mala-patola naman naming paliwanag. Pikon na pikon na rin kasi kami sa mga naglabasang pahayag at paliwanag ng aktor na nasangkot nga sa tila word-war sa mga mahal naming kaibigan-kumpare-mare na sina Albay Gov. Joey Salceda, Atty. Caroline Cruz, mga opisyal ng PTCAO (Provincial Tourism and Cultural Affairs Office) at mga staff nitong sina Jockey Serrano at iba pang sumalubong sa aktor sa Oriental Hotel.
Simpleng pag-reject ng mga gift tokens (shirt at coffee table book) ang isyu na hindi na sana lumala pa kung maayos lang na-inform ng handler ni Xian ang mangyayari sa Fiesta TSINOY 2015.
Ang sinasabing rason ni Xian sa pagtanggi nitong isuot ang t-shirt ng Albay ay conflict sa clothing endorsement niya.
Ang malala pa, sa pagbibigay paliwanag at paghingi ng dispensa ni Xian, pinalabas niyang “sinungaling” ang mga taong nakaranas ng kanyang kabastusan, kayabangan at pagiging arogante.
Among them kasi at base na rin sa personal naming kaalaman at nababalitaan, mas higit na kilala ang aktor sa pagkakaroon ng negang reputasyon.
Ngayon ay desidido na ang Pamahalaang Lalawigan ng Albay na ideklara siyang persona non grata at isinumpang hindi na kukunin sa future events ng lalawigan.
Tsk, tsk, tsk! Nakakaloka dahil once upon a time ay naging malapit kami sa aktor na noo’y matiyagang naghihintay sa isang sulok para mabigyan ng oras kapag gusto nitong mag-facial, RF o iba pang serbisyo sa mahal naming Faces & Curves.
At sa bait niya dati noong una namin siyang dinala sa Albay (wa pa siya name noon) ay nakisama talaga siya sa amin na kumain sa mga turo-turo habang kami’y bumibiyahe mula Manila hanggang Bicol.
Wala pa rin siyang ready na material noon sa pagkanta kaya’t ang luma pa niyang gitara ang bitbit niyang props. At dahil maganda ang impresyong binild-up namin about him, nagawa pa noon ng Ginoong Magayon event na i-delay ang awarding at hintayin kaming dumating sa Big Dome (we arrived at almost 10 p.m.) para lang makapag-perform siya.
Those were our happy days with him and his generous handler na pumayag na bumiyahe kami via land after naming hindi maka-landing sa airport noon sa Legazpi dahil sa zero visibility (pangitain na pala yun na never siyang la-landing sa Leagazpi airport).
Hay, those were the days na sa kakarampot naming pangkape bilang kumisyon sa noo’y P75,000 na TF niya (dinagdagan pa dahil nga natuwa sina Gov. Joey sa pagiging humble niya) na lumaki na nga nang lumaki hanggang sa umabot na sa tumataginting na P350,000.
Well, kasabay ba talaga ng paglaki ng TF ang paglobo ng ulo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.