Bianca di nakarating sa Valentine date nila ni Miguel | Bandera

Bianca di nakarating sa Valentine date nila ni Miguel

Ervin Santiago - February 23, 2015 - 02:00 AM

miguel tanfelix

NAKIPAG-DATE pala ang Kapuso teen drama actor na si Miguel Tanfelix noong nakaraang Wednesday (Feb. 18) bilang post-Valentine celebration. No, hindi si Bianca Umali ang kasama niya nu’ng araw na yun.

Nakasama ni Miguel ang kanyang pamilya sa pagbabakasyon sa Calatagan, Batangas. Kung ang karamihan ay sa mall or sa restaurant nag-celebrate ng special occasion na ito, iba si Miguel dahil nag-wake boarding siya kasama ang pamilya sa Lago de Oro, Balibago Calatagan.

Hilig talaga ni Miguel ang water sport na ito kaya dito niya dinala ang pamilya. Pero mas naging espesyal sana ang araw na ito para kay Miguel kung kasama niya ang ka-love team na si Bianca Umali kaya lang ay maysakit ang dalaga.

Plano talaga ni Miguel na isama si Bianca sa Lago para ma-experience nitong mag-wake boarding kaya lang ay nagkasakit ito. Lunes (Feb. 16) nagsimulang magkasakit si Bianca.

Kaya nagpasya ang Once Upon A Kiss production na i-pack up ang taping nila noong Miyerkules (Feb. 18) para makapagpagaling ang dalaga. Nag-resume ang Once Upon A Kiss taping ngayong araw sa Tagaytay.

Ngayong linggo, abangan ang mas nakakakilig at mas nakaka-inspire na mga eksena nina Bianca at Miguel sa Once Upon A Kiss sa GMA Telebabad pagkatapos ng More Than Words.

Kasama pa rin dito sina Manilyn Reynes, Mylene Dizon at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending