Rain or Shine, Alaska, Talk ‘N Text magpaparada ng bagong import | Bandera

Rain or Shine, Alaska, Talk ‘N Text magpaparada ng bagong import

Melvin Sarangay - , February 20, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Talk ‘N Text vs NLEX
7 p.m. Rain or Shine vs Alaska Milk
Team Standings: Meralco (5-0); Talk ‘N Text (4-1); Purefoods Star (4-2); Barako Bull (3-2); Rain or Shine (3-2); Globalport (3-3); Alaska Milk (2-2); Barangay Ginebra (2-3); Kia Carnival (2-4); NLEX (1-3); Blackwater (1-4); San Miguel Beer (0-4)

MAGPAPARADA ang mga title contenders na Rain or Shine, Alaska Milk at Talk ‘N Text ng bagong import ngayon sa hangaring mapalakas ang tsansang makapasok sa playoffs ng 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Magbabalik si Wayne Chism para sa Elasto Painters na makakasagupa ang Aces, na pinalitan si DJ Covington ng NBA veteran na si Damion James, sa alas-7 ng gabi na laro kung saan hanap nila ang ikalawang sunod na panalo.

Nagdesisyon naman ang Tropang Texters na palitan ang dating Best Import na si Richard Howell ng isa ring NBA veteran na si Ivan Johnson sa kanilang alas-4:15 ng hapon na engkwentro laban sa sister team nitong NLEX Road Warriors na pangungunahan ni Al Thornton.

Hindi inaasahan ang biglang pagpapalit ng Tropang Texters kay Howell dahil tangan nito ang 4-1 record at nasa ikalawang puwesto sa likod ng nangungunang Meralco Bolts. Subalit hangad ng coaching staff sa pangunguna ni Jong Uichico na mapaangat pa ang antas ng paglalaro ng Talk ‘N Text sa pagsalang ni Johnson.

Si Johnson, na nakapaglaro sa NBA team na Atlanta Hawks, ay huling sumabak para sa NBA D-League team na Texas Legends. Naglaro rin siya sa apat na eskwelahan sa US NCAA, kabilang ang isang season sa Cal State Bernardino.

Bagamat ang Talk ‘N Text ay nakakuha ng lehitimong NBA talent sa katauhan ni Johnson, nakuha rin nila ang pagiging mainitin ng ulo nito na nagresulta ng pagpataw sa kanya ng multa ng NBA.

Ipaparada naman ng Rain or Shine sa ikalawang pagkakataon si Chism, na tinapos muna ang kontrata sa China bago pinalitan si Rick Jackson.

Si Chism ay mas atletikong import para sa Rain or Shine na may kartang 3-2 sa kasalukuyan at makakasagupa nila ang Alaska na dahan-dahang bumabalik ang mga pangunahing manlalaro mula sa injured list.

Tanging si James, na naglaro rin para sa Texas Legends sa NBA D-League, ang hindi pa nasusukat ngayong umaga para sa 6-foot-9 height limit.

Si James ay miyembro rin ng 2014 NBA champion team San Antonio Spurs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending