SA Marso 21 opisyal na magbubukas ang 2015 season ng Philippine SuperLiga gamit ang All-Filipino Conference.
Nagdesisyon ang pamunuan ng PSL sa pangunguna ng pangulong si Ramon ‘Tats’ Suzara na patapusin mula ang aksyon sa collegiate league UAAP bago simulan ang ilang mga aktibidades para sa bagong season.
Para sa mga graduate players ng UAAP, NCAA at ibang collegiate leagues ang PSL at ang mga gustong mapabilang sa mga koponang magtutunggalian ay dapat sumali sa two-day Draft Camp mula Mayo 6 at 7.
Ang ikalawang PSL Drafting ay nakatakda sa Marso 11 at may sapat na panahon ang nakuha at koponang paglalaruan na magkakilalanlan dahil sampung araw matapos nito tsaka magsisimula ang aksyon.
Idinagdag pa ni Suzara na apat pa lamang ang tiyak na sasali at ang mga ito ay ang regular teams na Petron, Foton, Cignal at Philips Gold na dating Mane ‘N Tail. Pero hindi bababa sa apat ang kumakausap sa PSL para maging expansion teams.
Hanggang Mayo 31 gagawin ang aksyon habang ang second conference na PSL Grand Prix ay ikinasa mula Oktubre 17 hanggang Disyembre 5.
Bukod sa dalawang conferences na ito, magpapalaro rin sa beach volley ang PSL bukod sa Women’s Champions League na katatampukan ng mga kampeon sa PSL, Shakey’s V-League at mga collegiate leagues UAAP at NCAA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.