Matteo: Hindi kami naghiwalay ni Sarah!
KALAT na kalat sa social media ang chikang naghiwalay na raw sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Ayon sa malilisyosong balita, nagkaroon daw ng matinding away ang magdyowa pagkatapos ng Valentine’s day Valentine hanggang sa magdesisyon na silang mag-break. Meron namang ulat na nakaaway ni Matteo ang magulang ng Pop Princess dahil sa sobrang paghihipit ng mga ito kay Sarah.
Pero mariin itong itinanggi ni Matteo, na-shock nga raw ang binata nang marinig niya ang tsismis.
“Hiwalay? Ay, hindi po, of course not!” ang paglilinaw ng Kapamilya hunk sa isang interview.
Nagsimulang kumalat ang nasabing tsismis nang maging emosyonal si Sarah sa ginanap na elimination night ng The Voice of the Philippines noong Linggo. Sey ni Matteo, walang kinalaman ang relasyon nila ng dalaga sa nangyari sa The Voice.
“Ah wala. Sobrang stressed lang siya sa The Voice. Sobrang pinu-puso niya ‘yung The Voice. Sobrang importante ‘yung show sa kanya. The Voice is really demanding so siyempre, all of us, we all have our personal ups and downs. So, we just pray for the best kumbaga,” paliwanag pa ni Matteo.
Nauna rito, parehong inamin nina Sarah at Matteo na hindi sila nakapag-date noong Valentine’s day dahil sa kani-kanilang mga trabaho, pero nangako siya na babawi sa kanyang girlfriend.
Kasabay nito, inamin din ng binata na ngayon pa lang ay napag-uusapan na nila ang kasal, pero hindi pa naman ito ganu’n kaseryoso.
“Siyempre may mga times na pinag-usapan namin pero siyempre we’re still fresh in the relationship. Nothing concrete or anything, it’s just ideas, parang ganoon lang,” esplika pa ng binata.
Samantala, excited na si Matteo sa nalalapit na pagsisimula ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang remake ng classic movie ni Maricel Soriano na Inday Bote kung saan makakatambal nga niya si Alex Gonzaga with Kean Cipriano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.