Gustong umutang sa SSS | Bandera

Gustong umutang sa SSS

Liza Soriano - February 18, 2015 - 03:00 AM

GOOD day, Action Line. GUSTO ko lang po sa na malaman sa SSS kung qualified na akong mag-loan. Pwede ko rin po bang malaman kung ilan na naihuhulog ko sa SSS. Sa tingin ko po kasi ay may three years na akong naihulog. Salamat po ng marami

Charles Romyer
De Lara

REPLY: Para sa iyong katanungan, G. de Lara, kung ilan na ang nahulog mo o contributions sa SSS ay kinakailangan namin na malaman ang iyong SSS no.
Pero kung sinasabi mo na mayroon ka nang three years na naghuhulog sa SSS, ikaw ay kwalipikado na mag-avail ng salary loan.
Sa three-year contribution mo ay maaari kang makapag-avail ng one month salary loan.
Pero depende ito sa laki ng naihuhulog mo bawat buwan sa SSS at kinakailangan na tuloy tuloy ang contributions ng tatlong taon para maging kwalipikado sa unang salary loan.
Maaari rin na magpa-verify sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar.
Ms Beth Suralvo
Senior officer, Media Affairs
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending