Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX vs Blackwater
7 p.m. Alaska Milk vs San Miguel Beer
Team Standings: Meralco (5-0); Purefoods Star (4-1); Talk ‘N Text (4-1); Barako Bull (3-1); Rain or Shine (3-2); Barangay Ginebra (2-3); Globalport (2-3); Alaska Milk (1-2); Blackwater (1-3); Kia Carnival (1-4); NLEX (0-3); San Miguel Beer (0-3)
SASARIWAIN ng San Miguel Beer at Alaska Milk ang kanilang rivalry sa kanilang pagtatagpo sa 2015 PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon, hangad ng expansion franchise Blackwater Elite na maitala ang ikalawangsunod na panalo kontra NLEX.
Ang Beermen at Aces ay nagtagpo sa best-of-seven finals ng nakaraang Philipine Cup kung saan namayani ang San Miguel Beer sa pitong laro.
Subalit matapos na maiuwi ang korona, lumaylay na ang performance ng Beermen na nakalasap ng tatlong sunod na kabiguan sa kasalukuyang torneo. Sila ay pinayuko ng KIA Carnival (88-78), Barangay Ginebra (95-82) at Blackwater Elite (80-77).
Ang Beermen, gaya ng Road Warriors, ay nasa ibaba ng standings at may 0-3 karta. Kapwa hinahabol ng San Miguel Beer at NLEX ang dating Best Import na si Denzel Bowles upang maging kapalit ng kanilang kasalukuyang import.
Si Bowles ay minsang naglaro para sa Purefoods Star (dating San Mig Coffee). Subalit si Bowles ay may height na lampas sa 6-foot-9 na siyang limitasyon para a Beermen.
Puwede siyang makuha ng NLEX na pinayagang magpapirma ng import na may unlimited height. Sa kasalukuyan, ang Beermen ay sumasandig sa batang import na si Ronald Roberts, Jr. na makakatapat naman ni DJ Covington.
Hindi rin maganda ang simula ng Alaska Milk na nagwagi lang kontra NLEX, 96-95, noong Pebrero 7. Natalo sila sa Purefoods Star (108-88) at Globalport (95-83).
Ang Aces ay binabagabag ng injuries kina JVee Casio, Sonny Thoss at Vic Manuel na hindi makapaglalaro mamaya. Magbabalik naman sa active duty si Calvin Abueva matapos na hindi makapaglaro kontra Blackwater.
Sa pagtala ng kauna-unahang panalo sa liga kontra sa Beermen ay winakasan ng Blackwater Elite ang 14-game losing skid.
Ang Elite ay sasandig kay Gilas Pilipinas naturalized center Marcus Douthit na pansamantala nilang import habang hinihintay na gumalng buhat sa hamstring injury si Chris Charles.
Makakatapat ni Douthit ang NBA veteran na si Al Thornton na susuportahan ng beteranong si Paul Asi Taulava.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.