Heart napaiyak, nagdurugo ang puso habang ikinakasal kay Chiz | Bandera

Heart napaiyak, nagdurugo ang puso habang ikinakasal kay Chiz

Cristy Fermin |February 17,2015
facebook
share this

Heart napaiyak, nagdurugo ang puso habang ikinakasal kay Chiz

Cristy Fermin - February 17, 2015 - 02:00 AM

chiz escudero
Sa kabila ng napakala-king ngiti sa mga labi ni Heart Evangelista habang naglalakad patungo sa altar ay hindi maikakaila ang matinding kalungkutan ng kanyang puso.

Iba ang sinasabi ng kanyang puso kesa sa kilos na ibinibigay ng kanyang bibig. Pangarap ng bawat bride ang ihatid siya sa altar ng kanyang mga magulang, isang hiling na hindi niya naranasan nang magpakasal sila ni Senador Chiz Escudero.

Napakatindi nga siguro ng dahilan, sobrang lalim nga siguro ng rason, kung bakit natiis si Heart ng kanyang mga magulang sa isang napakadakilang araw sa kanyang buhay bilang babae.

Paboloso ang paghahanda, parang reyna ang aktres sa kanyang gayak, nakangiti siya habang naglalakad pero kung kukumustahin natin ang kanyang puso ay siguradong nagdurugo ‘yun sa sobrang kalungkutan.

Hindi kinaya ng pa-kiusap ng kanilang mga kaibigan ang mga magulang ni Heart, hindi pinakinggan ng mag-asawang Ongpauco ang katwiran na minsan lang naman ikakasal ang kanilang anak, naging bingi sa mga paliwanag ang parientes ni Heart Evangelista.

Sabi, ang mahalaga raw ay nagkatuluyan na sila ng lalaking pinakamamahal niya, ‘yun na raw ang kukumpleto sa kaligayahan ni Heart, pero sa kasaysayan ng bawat babaeng nagpapakasal ay may malaking kulang pa rin kapag hindi kasama ng bride ang kanyang mga magulang sa paglalakad papunta sa altar.

Hurt na hurt pa rin si Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending