Heart ibebenta ang milyun-milyong halaga ng branded bag at sapatos
Today ang kasal ni Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island.
But before they tie the knot today ay nainterbyu si Heart and it was quite a revelation. Naikuwento sa amin na gusto na raw ibenta ni Heart ang mga designer bags and shoes and clothes niya.
Kasi pala, itong si Sen. Chiz ay sobrang simple lang mamuhay, wala itong luho. He is the exact opposite of Heart na nasanay sa maluhong pamumuhay.
If one is to open Heart’s aparador, he’ll surely discover quite a fortune. Sandamakmak kasing designer bags, shoes and clothes ang laman ng kanyang cabinet. Of course, millions ang halaga ng lahat ng mga iyon.
When Heart is abroad kasi, wala siyang ginawa kundi mag-buy nang mag-buy. Si Sen. Chiz, pinagsabihan si Heart. Masyado raw kasing mahal ang mga gamit nito.
Tinanong pa nga raw niya ang aktres kung alam niya kung ilang pamilya na ang mapapakain sa isang luxury bag pa lang nito. Tipong kinukunsensiya niya si Heart.
The actress related nga na minsang nasa abroad sila ng senador ay na-max niya ang kanyang credit card. Simpleng pamumuhay ang gusting ituro ni Chiz kay Heart.
Mula sa pamimili sa palengke hanggang sa pagbabayad ng bills, gusto ng senador na matuto sa buhay ang kanyang dyowa.
This was how Heart discovered na sobra palang simpleng mamamayan lang si Sen. Chiz kaya naman lalo siyang na in-love rito.
So, good influence naman pala itong senator sa kanyang dyowa, ha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.