Consumer protection nasan? | Bandera

Consumer protection nasan?

Liza Soriano - February 14, 2015 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line,
Ako po ay isang masugid na tagasubaybay ng inyong column dito sa Bandera. May tanong lang po ako, mayroon po kasi akong binibiling “Cherry Mobile Tablet”. Unang depekto ko pong nalaman na ang unit na ito ay mayroon palang depekto si-guro po ay mga isang buwan at dalawang araw nang ginamit ko po ang “skype” ng unit. Naririnig po ako ng aking kausap ngunit di ko naman marinig ang kausap ko.

Sa madaling salita po, dinala ko sa service center nila at nagawa, pero mga ilang araw ang nakalipas ay may sira na naman – bigla-bigla na lamang itong namamatay.

Binalik ko uli ang unit sa service center nila at ang tagal ng kanilang paggawa, pinapahintay po ako mga 3 to 4 weeks pa.

Di po ba napakatagal e kaya nga po binili ko ito dahil kailangan gamitin! Puro lagi naman sira kabagu-bago. Gusto ko nga po sana palitan na lang nila ng bago ang unit dahil di naman napakaliit na halaga ng perang binili doon para na lang, laging masira at ibalik nang ibalik sa kanila.

May nakatatak po sa resibo ng “1 yr. service warranty at any service center of Cherry Mobile”, “7 days replacement without scratches”. Ganoon pa man po maglalakip po ako ng copy ng resibo. Wala na po ba akong karapatan na papalitan ang aking unit dahil sa laging sira ito gayong bagong-bago pa po? Di naman ang sira nito e dahil sa kagustuhan kundi depekto na talagang sa unit galing.

Ako po ay 59 years old na para sabihin na di ko pinagiingatan ang unit at wala rin pong ibang gumagamit nito kundi ako lang po.

Sana po ay masagot ninyo agad ang aking liham kong ito para may maipresenta ko sa “Service Center o sa Cherry Mobile” para mapalitan ang aking unit kung may pag-asa pang palitan. Bale tatlong beses ko na pong dinala sa kanila ito para ipagawa.

Muli, maraming
salamat!
Gng. Omer Espiritu
ng Pateros

REPLY: Nakikipag-ugnayan na po ang Aksyon Line sa Cherry Mobile para isangguni ang iyong hinaing. Hihilingin din natin ang opinyon ng Department of Trade and Industry hinggil sa mga karapatan ng isang kostumer na katulad ninyo. Babalikan namin kayo, Gng. Espiritu hinggil sa inyong reklamo.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending