FELIPE NAMAYANI | Bandera

FELIPE NAMAYANI

Mike Lee - February 13, 2015 - 12:00 PM

GINAMIT ni Marcelo Felipe ang galing sa akyatan para pagharian ang Stage Two ng Ronda Pilipinas Visayas qualifying leg kahapon na nagsimula at nagtapos sa Bacolod City.

Ang 25-anyos na si Felipe ang nagdomina sa tatlong King of the Mountain lap para katampukan ang pinakamabilis na oras sa 156.6-kilometrong karera na limang oras, dalawang minuto at 12 segundo.

Tinalo ni Felipe si Boots Ryan Cayubit na may 5:04.25 habang ang nagdedepensang kampeon na si Reimon Lapaza ng Butuan ang pumangatlo sa 5:08:08 oras.

“Masaya ako dahil ito ang unang stage win ko,” wika ni Felipe na lumundag mula ika-18 puwesto tungo sa pangalawang puwesto sa overall standings tangan ang 9:33:00 oras.

Si Cayubit ang nangunguna ngayon sa overall sa karerang handog ng LBC at may basbas ng PhilCycling at suportado pa ng MVP Sports Foundation, Petron at Mitsubishi, sa 9:29:50 tiyempo.

May puwesto na si Lapaza sa Championship round mula Pebrero 22 hanggang 27 pero nagdesisyong kumarera para magpakondisyon at suportahan ang kapatid na si Cesar na kasali sa tatlong yugtong karera.

Ang nanalo sa Stage One na si Jaybop Pagnanawon ay nahirapan sa ahunan sa Don Salvador Benedicto at tumapos 25 minuto matapos tumawid si Marcelo.

Inaasahang babawi ang anak ng 1986 Marlboro Tour champion na si Rolando Pagnanawon sa pagtatapos ng Visayas qualifying leg ngayon dahil ang Bacolod hanggang Cadiz karera ay itatakbo sa patag na daanan.

Nasa 50 siklista ang kukunin sa Visayas elimination para umabante sa Championship round.

Magkakaroon din ng Luzon qualifier mula Pebrero 15 at 16 bago magpapahinga ang mga nakapasa ng anim na araw para paghandaan ang Championship round na kung saan ang lalabas na kampeon ay mag-uuwi ng P1 milyong premyo.

Suportado ang karerang ito ng Cannondale, Standard Insurance, Tech1 Corp., Maynilad at NLEX habang ang TV5 at Sports Radio ang mga media partners.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending