Kalat na: Marian nabiktima ng sindikato, nakabili ng mga pekeng damit sa internet
HOW true na napeke si Marian Something when she bought dresses online?
Merong nakapagchika sa aming laugh nang laugh daw ang mga designers each time Marianita posts some pictures of her wearing designer clothes. Kasi nga raw ay hindi genuine article ang kanyang mga suot.
Parang mahirap namang paniwalaang ang ganitong chika. Hindi naman siguro tanga si Marianita para bumili ng pekeng designer clothes.
Isa pa, ang gaganda ng mga isinusuot niya. Sa mga nakikita naming posts niya sa Instagram ay halatang mamahalin ang kanyang mga suot na clothes. Kung peke nga ‘yon, aba, ang galing naman ng pumeke nu’n, ha!
One reason na hindi rin kami naniniwalang napeke si Marianita sa online buying sprees niya ay ang very detailed description ng isang avid fan-blogger each time Marianita posts her pictures for her cheerleaders to see. Talagang sure na sure ang blogger sa kanyang caption ng mga suot ni Marian so how could she be wearing fake items?
Isa pa, magpapakawala ba naman si Marianita ng napakalaking pera kung feel niya ay hindi naman trulili bangbang ang kanyang binibili? Meron naman sigurong sense of DISCERNMENT ang dyowa ni Dingdong when it comes to fashion, ‘no!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.