V-day concert ni Ai Ai kanselado na: Nagulat ako sa mga nadiskubre ko! | Bandera

V-day concert ni Ai Ai kanselado na: Nagulat ako sa mga nadiskubre ko!

Cristy Fermin - February 13, 2015 - 03:00 AM

AI AI DE LAS ALAS

AI AI DE LAS ALAS

Alas-sais nang umaga kahapon, pupungas-pungas pa, ay kausap na namin sa telepono ang Comedy Concert Queen. Malungkot ang kanyang gising, isa ‘yun sa pinakamalungkot na umaga sa kanyang buhay, dahil ang concert niya na kagabi dapat napanood sa Solaire Hotel & Casino ay kanselado.

Una, ang problema kay Richard Yap na hindi pala nabayaran ng downpayment ng kanilang mga prodyuser na sina Jacob Fernandez at Faith Cuneta, bumaklas ang singer-actor sa show.

Nu’n pa man ay gusto na rin sanang mag-backout ni Ai Ai delas Alas, pero nagmakaawa sa kanya ang mga prodyuser, sinalo niya ang mga ito bilang co-producer ng concert.

Siya ang magbabayad sa talent fee ng kanilang mga guests, pati na sa kanyang talent fee, sina Jacob at Faith naman ang mamamahala sa produksiyon.

Pero sa kanilang rehearsal nu’ng Miyerkules nang gabi ay nalaman ni Ai Ai na hindi pa rin pala bayad ang banda, ang mga ilaw at technical rider, hindi pa rin bayad ang mismong venue ng concert.

Nagdesisyon si Ai Ai, kung itutuloy pa rin niya ang show ay parang kinukunsinti na niya sina Jacob at Faith, marespeto niyang kinausap ang banda at ang mga production people na ire-reschedule na lang nila ang concert sa May 16 na siya na ang magpoprodyus.

“Pero binigyan ko pa rin ang banda, awang-awa kasi ako sa kanila, pinili nila ang show sa pag-asang kikita sila, pero kahit downpayment lang pala, hindi pa sila nababayaran. Hindi ko alam ang mga nangyayari, wala silang sinasabi sa akin, nagulat na lang ako sa mga nadiskubre ko!” kuwento ng Comedy Concert Queen.

Napakaganda ng puso ng komedyana, nu’ng magmakaawa sa kanya si Jacob Fernandez ay pumayag pa rin siyang matuloy ang show, dahil naalala niya ang pinakaunang concert niya nu’ng 1989 sa Folk Arts Theatre.

“May isang producer na nag-backout, pumasok si Jacob, sinalo niya ako nu’n, kaya bilang pagtanaw ng utang na loob, pumayag pa rin ako.

“Pero hindi ko na kinaya ang mga nalaman ko, marami nang taong apektado, kailangan ko nang magdesisyon,” pahayag ng Comedy Concert Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending