Angelica: Totoo, sinampal ako ni Cristine, at sobrang sakit!!! | Bandera

Angelica: Totoo, sinampal ako ni Cristine, at sobrang sakit!!!

Ervin Santiago - February 12, 2015 - 03:00 AM

angelica panganiban
Pumayag pala si Angelica Panganiban na magpasampal kay Cristine Reyes noong kasagsagan ng away nila. Ito ngayon ang trending topic ng netizens base na rin sa kumakalat na director’s cut ng Gandang Gabi Vice episode noong nakaraang Linggo sa internet.

Dito kasi inamin ni Angelica kung paano sila naging magkaaway ni Cristine. Ayon sa dyowa ni John Lloyd Cruz, nagsimula ito nu’ng sampalin nang malakas ni Cristine ang kaibigan niyang si John Prats sa isang eksena nila sa Banana Split kung saan sila nagkasama-sama noon.

Ikinuwento raw ito ni John kay Angelica, “Tapos nu’n, nag-start na, nagkuwentuhan na kami. Doon nag-start.”  Tanong ng GGV host na si Vice Ganda, “Siniraan mo si Cristine sa kanila?”

Si John muna ang sumagot, “Hindi naman ganu’n!” Natatawang sumingit naman si Angelica at sinabing, “Hindi, ako yung nanira! Sabi ko, ‘Kasi, ganito ‘yan…ano nga, nu’ng isang beses…ganyan talaga ‘yan, hayaan mo.’ Kumbaga, kinaibigan ko ang lahat ng bagong cast.

Kaya ang ending, umalis si AA (Cristine). So, unti-unti, nagiging kaibigan ko sila.”  Tanong uli ni Vice, “Unti-unti nagiging kaaway niyo si Cristine?”

Natatawang sagot ni Angelica, “Oo, lumalaki na ang grupo ko. Walang kaalam-alam si Cristine na ganu’n ang ginawa ko sa kanya. Ngayon, alam na niya.”

Pag-amin pa ng aktres kay Vice, “May isyu talaga kami. Nakalimutan ko na, na-news pa nga ‘yon,” ani Angelica. Pero naayos na raw ‘yun matapos silang mag-usap nang masinsinan. At may kundisyon daw ang pagbabati nila.

“Noong magbabati na kami, sinampal niya ako. Ang sakit, ang sakit niyang manampal! Sabi ko, ‘Sige, bati na tayo.’ Sabi niya, ‘Ano, sasampalin muna kita.’ Sabi ko, sige… kasi sa phone kami nag-uusap no’n.

“Tapos pumunta siya sa bahay, sinampal na niya ako. Tapos niyakap niya ako,” chika pa ni Angelica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending