Magkakatrabaho na ba ngayong 2015? (2) | Bandera

Magkakatrabaho na ba ngayong 2015? (2)

Joseph Greenfield - February 11, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Wilma ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City

Problema:
1. Matagal na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Marami na akong inaplayan at ang sabi sa akin tatawagan na lang daw ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ko natatawagan.

2. Nahihiya na nga ako sa bahay kasi ang tagal ko ng graduate ng kursong HRM pero hanggang ngayon ay palamunin pa rin ako. Sir Greenfield, kailan po kaya ako makakahanap ng trabaho para hindi na kong maging pabigat sa aming pamily? November 18, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,
Wilma ng Tungawan,
Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing magkakaroon ka ng trabaho sa tulong ng isang kaibigan o dati ng kakilala na isinilang sa zodiac sign na Cancer, kaya kapag may tumulong sa iyo o “nag-backer” sa iyo na isang Cancer, iyon ang malinaw na palatandaang magkakatrabaho ka na.
Numerology:
Ang birth date mong 18, ay nagsasabing kapag nagtagal ka sa nasabing trabaho, sa nasabi ding kumpanya na may kulay asul at pulang logo, diyan ka rin matututong magnegosyo. Dabat ay habang nagtatrabaho ka ay may isa ka pang pagkakakitan na may kaugnayan nga sa negosyo.

Luscher Color Test:
Upang tuloy-tuloy kang suwertehin sa nasabing kumpanya, lagi kang magsuot ng kulay na pula at berde. Sa nasabing kulay ay mas maraming buenas at suwerteng kapalaran ang aanihin mo habang nagtatrabaho.

Huling payo at paalala:
Wilma, ayon sa iyong kapalaran, sa Marso ng taong ito, tulad ng nasabi na ay may isang babae ang tutulong sa iyo upang magkaroon ng trabaho. Sa kumpanyang may kulay asul at pulang logo, ikaw ay maperpermanente at dagdag pa rin sa nasabing kumpanya ay magkakaroon ng sariling side line o negosyo, na siya namang magpapaunlad at sa bandang huli ay magpapayaman sa iyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending