PNoy alam ang operasyon ng SAF 2 linggo bago ang Enero 25-Napeñas
MATAPOS idiniin, rumesbak kahapon ang sinibak na si Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagsasabing dalawang linggo bago ang operasyon noong Enero 25, 2015, laban sa napatay na Malaysian terrorist Zulkifli Abdhir o Marwan, alam na ni Aquino ang operasyon sa Mamasapano na kung saan pinatay ang 44 miyembro ng (SAF).
Sa pagdinig ng Senado, nagpasalamat pa si Napeñas sa pag-imbita sa kanya sa pagsasabing maibibigay na niya ang kanyang panig matapos namang sisihin ni Aquino sa kanyang nakaraang pagsasalita sa telebisyon noong Biyernes.
Ayon kay Napeñas, kasama niya ang nagbitiw na si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at iba pang opisyal ng PNP nang sila’y magtungo sa Malacanang noong Enero 9, 2015 kung saan binigyan nila ng “mission update” si Aquino.
“On January 9, 2015, we, Police General Purisima, myself and Supt. Mendez went to Malacanang and met his Excellency at the Bahay Pangarap for mission update in the new concept of operation. We named this Oplan Exodus,” sabi ni Napeñas.
Idinagdag pa ni Napeñas na iniwan pa nila si Purisima at si Aquino na nag-uusap sa loob.
“It was then when Director General Purisma, when he went out, stated: Huwag mo munang sabihan yung dalawa, saka na pag nandun na. Ako na ang bahala kay (Armed Forces Chief of Staff Gregorio) Catapang,” dagdag ni Napeñas.
Ang tinutukoy ni Purisima ay sina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.