Magkaka-GF na ba sa Valentine’s day? | Bandera

Magkaka-GF na ba sa Valentine’s day?

Joseph Greenfield - February 08, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Edwin ng KM 9, Taguibo, Butuan City

Dear Sir Greenfield,

Nagtataka ako sa sarili ko Sir Greenfield kung bakit guwapo at may itshura naman ako, sabi ng mga friends ko pero bakit kaya hanggang ngayon sa edad kong 29 ay hindi wala at hindi parin ako nagkaka-girlfriend. At ni minsan sa buong buhay ko hindi man lang ako nakaranas na makipag-date sa isang babae. Marami naman akong niligawan pero ewan ko ba parang hindi yata ako nagugustuhan talaga ng mga babae. Ask ko lang po kung aabot pa kaya sa darating na Valentine’s day kung magkakaroon kaya ako ng “ka-partner”? At minsan iniisip ko kung magkaka-girlfiend pa kaya ako at akapag-aasawa? Kung tatanungin nyo ako, may maganda naman po akong trabaho sa isang bangko bilang accounting clerk. October 16, 1985 ang birthday ko.
Umaasa,
Edwin ng Butuan City

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Masyado kasing malayo ng pagkakaguhit ng malinaw naman, makapal at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na ayos lang at tama lang talaga sa kapalaran mo ang nangyayari sa iyong love life sa kaslukuyn, kung saan sa edad mong 29 at kahit na tumuntong ka pa ng edad na 30, sakto-sakto sa panahong ito ng iyong pagbibinata magkaka-girlfiend ka na na rin sa wakas.

Cartomancy:
Queen of Clubs, Tow of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabing isang babaing halos kasing edad mo rin ang magiging girlfriend mo, at ito ay mangyayari sa buwan ding ito ng Pebrero, sa edad mong 29 pataas.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending