Hapee, Cebuana Lhuillier nakauna sa semis | Bandera

Hapee, Cebuana Lhuillier nakauna sa semis

Mike Lee - February 06, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro sa Lunes
(The Arena)
2 p.m. Cebuana Lhuillier vs Cagayan Valley
4 p.m. Café France vs Hapee

IPINORMA ng Hapee at Cebuana Lhuillier ang posibilidad na sila ang magtuos sa titulo sa 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup nang magtala ng panalo sa pagsisimula ng Final Four kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naipakita uli ng Fresh Fighters ang matinding depensa habang si Garvo Lanete ay may 20 puntos tungo sa 74-58 paglampaso sa Café France sa unang laro.

May 10 puntos sa first half si Lanete para bigyan ang Hapee ng 39-26 bago sinandalan ang matibay na depensa sa kabuuan ng laro para magtala lamang ang Bakers ng 26% field goal shooting (18-of-68), kasama ang 5-of-34 sa three-point line.

“Malaking tulong ang pagkatalo namin sa Cagayan Valley sa last game para maintindihan ng mga players na kahit sino ay puwedeng manalo rito at kailangang preparado lagi ang isang team,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc.

Ginulat naman ng Gems ang dating walang talong Cagayan Valley sa kinuhang 89-85 panalo.

Naunang nagpasiklab ang mga guards ng Cebuana Lhuillier para itulak ang koponan sa 37-11 panimula pero noong bumalik ang Rising Suns, sinandalan ng Gems ang split ni Norbert Torres para magkaroon ng apat na puntos kalamangan sa huling 14 na segundo.

“We take every game as a championship. I thought the players showed character and poise,” wika ni Gems coach David Zamar.

May 15 puntos si Torres habang si Simon Enciso, Allan Mangahas at Almond Vosotros ay may 22, 17 at 15 puntos.

Kailangan na lamang ng Hapee at Cebuana na manalo uli sa Lunes para magtuos sa titulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending