Jerika Ejercito palaban, di uurungan sa dakdakan si Kris
Hindi uurungan ni Jerika Ejercito si Kris Aquino sa kahit anong klase ng laban.
Harapan, talikuran, mag-one-on-one man sila on national TV ay makakahanap ng kasukat si Kris sa anak ng Pangulong Joseph Estrada.
Napakadiretso ng dila ng anak ng pangulo kay Laarni Enriquez, hindi siya maepal, pero kapag kailangan na niyang magbigay ng opinyon tungkol sa ating lipunan ay mabilis tumipa sa mga makina ang kanyang mga kamay.
At huwag hahamunin ni Kris ang prangkang si Ica dahil siguradong hindi siya uurong, handa siyang makipagbanggaan kay Kris sa kahit anong paksa na meron ang mundo ngayon.
Natural, dahil sa sinabi ni Jerika na magaling lang namang mang-bully at mangpahiya ng kanyang mga guests si Kris sa mga shows nito ay may upak sa kanya ang mga alipores ng aktres-TV host, pero mukhang nagkamali ng birada ang mga ito.
Pinersonal si Ica ng mga kampi kay Kris, pero ang piniling paksa ng mga ito ay pakikipagrelasyon, ‘yun pa ang kanilang isinumbat kay Jerika samantalang du’n nga sa puntong ‘yun mas mapupuruhan ang ipinagtatanggol nila?
Sabi ng kaibigan naming propesor, “Look, who’s talking! Sa issue pang ‘yun nila binira si Jerika, e, du’n nga palaging binabanatan si Kris! Puwede ba, kilala ba nila sina Phillip Salvador, Mayor Joey Marquez at Mayor Herbert Bautista?
“Sige, magsalita sila ngayon, ipagtanggol nila ang idol nila sa ganu’ng topic, sasampalin sila ng katotohanan dahil pagdating sa kalalakihan, butata si Kris Aquino!”
Ha! Ha! Ha! Ha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.