Para sa may kaarawan ngayon: May dagdag na salapi na matatanggap pag handaan ang nalalapit na Valentine’s day. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na kung paano paliligayahin ang kasuyo sa araw ng mga psuo. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi uunlad at liligaya, hangga’t ikaw ay isip bata. Makakamit ang maturity kung tanggapin ng maluwag sa loob, ang anomang bagay ay lumilipas. Sa pinansyal, piliting palakihin ang kinikita sa kabila ng maraming gastusing kinakararap. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Aum Govinda”. Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kahit walang gaanong pera, kakaibang sigla ang madarama. Isipin mo na lang darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, ibuhos ang tiwala sa kasuyo upang wag masira ang relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at gold ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansyal, malaking halaga ng salapi buhat sa malayong lugar ang di mo inaasahang darating. Sa pag-ibig, bilisan ang paglilinis ng silid at buong kabahayan, darating ang kasuyong matagal mo ng hinihintay. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” White at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa pananalapi, isang Aquarius ang biglang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligong lagi at regular na magpalit ng underwear! Mapalad ang 7, 18, 22, 26, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Grasya-Om” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang maging mayabang upang wag kang kaiigitan. Mas mabilis na uunlad kung patuloy na magpapakumbaba. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Beige at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa pinansyal, laging maging praktikal upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig hindi kailangan ng kasusyo ang magrabong date. Sapat na sa kanya na mayakap at makasama kang minsan habang magkahawak kayo ng kamay. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Mag-ingat, may mangungutang na naman! Umiwas muna sa kabigang mukhang walang pera. Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Virgo ang laging taya, sumama ka lang ng sumama sa kanya. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Visnu-Om.” Red at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—May kokontra na naman sa binabalak! Wag magpadaig sa negaibong nilalang. Sa pinansiyal, kung papairalin ang tigas ng loob malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, ma-satisfied na sa minsanang pakikipag-date ang kasuyong tigang na tigang. Mapalad ang 7, 19, 25, 28, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Blue at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Simpleng buhay ang susi upang lumigaya. Sa pag-ibig, wag mong gawing kumplikado ang buhay – manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Libra “Just go with the flow.” Mapalad ang 9, 12, 27, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Govinda-Om”. Purple at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Pahalagahan at palaguin ang mga bagay na hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig wag hayaang mawala ang kasuyong noon ka pa sobrang mahal na mahal. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Orange at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kusang magbabalik ang nakaraan! Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa biglaang pagkikita ng dati mong crush. Sa pinansiyal, muling buksan ang dating kalakal na nagbigay ng malaking kita. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Dosya-Om.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Dagdag pagkakakitaan ang kailanga! Tama ang dati ng naisip na palawakin ang teknikal na kaalaman. Sa pag-ibig, kailangang makaipon ng maraming-maraming pera upang maiplano ang nalalapit na pagkikipag-date sa Valentine’s day. Mapalad ang 5, 16, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Green at lilac ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.