Video nina Manny at Jinkee mabilis na kumalat
Nag-viral sa social media ang isang video kung saan mapapanood ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na nagdya-jamming. Usap-usapan ng netizens ang nasabing video na mismong si Jinkee ang nag-post sa kanyang Instagram account.
Mapapanood dito si Pacman na naggigitara habang kinakanta naman ng kanyang misis ang “Thy Word.” Sunud-sunod ang pagre-uploads ng nasabing video sa YouTube na nakakuha na ng mahigit 300,000 views habang sinusulat namin ang balitang ito.
Karamihan sa nabasa naming komento ay nagulat sa boses ni Jinkee. Ayon sa isang netizen, may boses din pala ang misis ni Pacman kaya nag-suggest ito na, “Yun naman pala! E, bakit hindi siya ipagprodyus ng album ni Pacman? Ha-hahaha! Joke lang, baka naman seryosohin nila.”
Kung matatandaan, nagkaroon din ng album si Manny ilang taon na ang nakararaan, ang “Laban Nating Lahat Ito”, pero hindi na ito nasundan, sabi nga niya sa isang interview, “My first album in the Philippines is platinum so that’s good enough.”
Hirit pa nga ni Pacquiao, “I like singing, I love music. But I don’t think music loves me!” Samantala, marami na ang naghihintay sa ginagawang pelikula ngayon ni direk Paul Soriano na tatalakay sa naging buhay ni Manny noong bata pa siya.
Ibang-iba raw ito sa dokumentaryong ginawa sa Amerika tungkol sa kanyang pagiging boksingero. Umaasa daw si direk Paul na susuportahan ito ng lahat ng Pinoy na nagmamahal kay Pacman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.