Tawag ng bashers kay Kris: epal, benggador, matronang tigang
NARAMDAMAN na siguro ni Kris Aquino na hindi uubra ang kanyang “magic” sa kung ilang daang-libong bashers niya, pati na rin ang milyun-milyong Pinoy who are silently doing their share para iparating sa kanyang Pangulong kapatid ang kanilang galit at disappointment.
“Palabang-duwag,” sey ng isang propesor namin sa UP Diliman nang mabalitaan nila ang suot-suot daw nitong “statement shirt” sa programang Aquino & Abunda Tonight kamakailan.
Ayon sa mga ito, “Magbago naman siya ng style. Ang tapang-tapang niyang makialam at manghimasok sa mga isyu, pero kapag hindi pumabor sa kanila ang laban, para siyang ubod ng banal na gumagamit ng istratehiyang niluma na ng panahon.
Puwede bang this time ay ang sambayanan naman ang sumigaw ng ‘enough na, sobra na, palitan na!'” Hindi kami aware sa naturang statement shirt pero ang very bold daw na nakasulat doon ayon sa social media posts ay, “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.” Ito nga raw ang itinuturing na sagot ni Kris sa lahat ng bashers nila ni P-Noy.
Pati nga ang necklace niyang may pendant na cross at heart ay isinama pa sa usapan as if talagang minamatyagan ng mga tao ang lahat ng kanyang kilos at hitsura.
Ikinabaliw namin ang mga komento hinggil sa kanyang pagiging “loveless”, ang pagtawag sa kanya ng “matronang tigang”, “si Miss Ako” at iba pang mga salitang marahil ay tumatagos na ngayon sa kanyang kamalayan, bilang siya naman talaga itong mahilig umepal at makialam sa lahat ng isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.