Hayden laging nasa kulungan, namumuno sa bible study para kina Bong at Jinggoy
NAGBABALIK sa telebisyon ang kontrobersyal na si Hayden Kho. This time, he will be called Dr. Hayden Kho again wherein mapa-practice niya ang kanyang kaalaman bilang doctor sa bagong programa ng TV5 na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10 a.m., ang Healing Galing with the original host sa radio program nito with the same title na si Dra. Edinell Calvario.
Maaliwalas at masayang ikinuwento ni Dr. Hayden sa amin kung paano nabalik ang mga nawala sa kanya, una na ang kanyang lisensya bilang doctor.
Last year daw ibinalik ng Philippine Medical Associaton ang kanyang lisensya after a couple of years nang pag-file nila for motion of reinstatement.
“Kasi sinasabi namin noon na tapos na ‘yung kaso, e. Kumbaga, abswelto na tayo doon kaya dapat po na ibalik na ‘yung lisensya ko. Kasi kumbaga, hindi ako guilty, ganoon,” anito.
Hindi raw siya ang nag-aasikaso nu’ng kaso niya sa PMA dahil mas nagpo-focus daw siya kung paano ayusin ang sarili niya.
“So, blessing na rin na throughout the course of my life nakakilala ako na mga tao na nagdala sa akin sa Panginoon.
And ever since I pursued the cross, naayos ko ‘yung mga problema ko, which means nakilala ko ang sarili ko, kung ano ‘yung gusto kong mangyari. Naintindihan ko rin kung ano ang ibig sabihin ng buhay in a very deep sense,” relate pa niya.
Nagpunta raw siya sa US last year at doon nag-aral ng Christian Apologetics which is the defense of the faith sa Oxford Center for Christian Apologetics.
“Doon po biglang dumating lahat-lahat, magkakasunod na blessing. ‘Yung iba po hindi ko na kailangang sabihin at ayaw ko na ring sabihin. Pero kasama rin po doon ‘yung pagbalik ng medical license ko.
So, I can safely say and I can claim na totoo po ‘yung sinasabi na, ‘Seek first the kingdom of God and all those things shall be added unto you,’” pahayag niya.
Tinanong namin siya kung kasama sa mga bumalik sa kanya si Dra. Vicki Belo. Ngumiti lang si Hayden. Hindi naman daw siya nag-hesitate na tanggapin ang Healing Galing noong inalok sa kanya ng TV5.
“Alam naman nila sa show na humingi ako ng ilang araw para ipagdasal ‘to at isipin ko kung para sa akin ba ‘to? Syempre, alam ninyo naman ang experience ko sa showbiz? Hindi ko sinasabing ang showbiz ang may kasalanan.
Pero kasi, hindi ako sure kung bagay ako doon or meant to be. Pero ang difference dito, this is a medical show. which is bagay sa akin kasi linya ko ‘to. Pangalawa, kasama ko si Dra. Eddinel.
Kasama ko mga wholesome na tao. So, wala namang problema, ‘di ba?” Wala namang nakikitang conflict si Hayden between his faith at ang pagpra-practice niya ng medicine sa show ng TV5.
“Ang role naman po kasi namin dito is to present the traditional and alternative medicine. Paminsan ho, of course, nagko-conflict. Pero kung titingnan ninyo, kadalasan, nagdya-jive.
Nagko-compliment sila. Ngayon, kung meron man pong conflict, hindi po namin role na pagtalunan ‘yun. Ang amin po, ipe-present namin ‘yung alternative and traditional,” diin ni Hayden.
Samantala, ayaw naman niyang aminin na binibisita niya si Sen. Bong Revilla sa Camp Crame na siyang nag-diin sa kanya para ma-revoke ang kanyang lisensya sa pagdodoktor. Si Dr. Hayden daw ang isa mga nangunguna sa Bible study na ginaganap sa loob ng kulungan ni Sen. Bong.
“Ah, ‘yung mga ganyang bagay po hindi po dapat nakasulat sa papel. Okey lang po, bahala kayo magsabi. Pero kasi po sa akin ‘yung mga ganyang bagay hindi dapat…ano kasi out of respect na rin sa Diyos, hind po ‘yun pinag-uusapan sa public,” sabi pa niya.
But when we asked him about Katrina Halili kung nakapag-usap na sila, hindi pa raw. At kung sakali na magkaharap sila uli, hindi raw namin ito malalaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.