Lucho magaling kumanta, nagmana kay Juday | Bandera

Lucho magaling kumanta, nagmana kay Juday

Julie Bonifacio |February 01,2015
facebook
share this

Lucho magaling kumanta, nagmana kay Juday

Julie Bonifacio - February 01, 2015 - 03:00 AM

judy ann santos
Speaking of Mommy Carol pala, she always makes herself available para sa kanyang mga apo especially sa mga anak ni Juday at Ryan Agoncillo. Hindi tiwala sina Juday at Ryan na walang kasamang kamag-anak ang mga anak kapag nagkataong pareho silang may trabaho.

Aliw na aliw naman daw si Mommy Carol na bantayan ang kanyang mga apo. Marami na raw “kapilyuhan” ngayon ang bunso nina Juday at Ryan na si Lucho. And one thing she revealed to us, favorite pala ni Lucho ang One Direction.

One time raw namamasyal sila sa mall, bigla raw nagsasasayaw si Lucho nu’ng marinig ang kanta ng One Direction. At kabisado raw talaga ng bagets ang ilang kanta ng grupo, huh!

Proud naman daw si Juday sa pagsasabi ng “alam ninyo na kung kanino siya (Lucho) nagmana”  kapag kumakanta ang bunso nila ni Ryan. Pero knows ninyo ba na hindi lang si Lucho ang singer sa pamilya nina Juday?

Well, pati raw ang panganay nilang si Yohan ay maganda ang boses at pwede raw talagang maging singer. May picture nga si Yohan na lumabas sa social media na may hawak na microphone habang kasabay na kumakanta ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta na si Miel.

Habang si Lucho naman daw, ang playmate niya ang ang bunsong anak ni Megastar. Kapag si Yohan ang kumakanta, sinasabi naman daw ni Mega na sa kanya nagmana ang inaananak niya.

Nagugulat naman si Mommy Carol sa kanyang mga apo kapag dinadala siya sa mga mamahaling resto sa Alabang pagkatapos niyang sunduin sa school.

Sanay daw kumain sa expensive restaurant ang mga bata. Kaya madalas daw ay nasisira ang budget ni Mommy Carol sa kanyang “hobby.”

Hobby talaga? Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending