Ang ka-chat na bang foreigner ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang ka-chat na bang foreigner ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - February 01, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Evelyn ng Dr. Meciano Road., Dumaguete City, Negros Oriental

Problema:
1. Mag iisang taon na akong may ka-chat mate na isang foreigner at bale sa kasalukuyan ay boyfriend ko na siya. Isa siyang Norwegian. Ang huling usapan namin ay kung magiging okey daw ang lahat, papasyal siya dito sa ating bansa, at pagkatapos ay mamamanhikan sa amin at magpapakasal na daw kami.

2. Nais ko lang itanong kung totoohanin kaya nya ang kanyang pangako, at kung compatible ba kami? August 10, 1989 ang birthday ko at December 16, 1971 naman ang ka-chat mate kong Norwegian at kung kami ang magkakatuluyan magiging maligaya kaya at magiging successful ang aming itatayong pamilya? At nais ko ring malaman kung makakarating ba ako sa ibang bansa?
Umaasa,
Evelyn ng Negros Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang ka-chat mate mong foreigner ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo, kaya sa sandaling kayo ay nagkatuluyan may pangako ng isang masaya, maunlad at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Numerology:
Hindi lang kayo sa zodiac sign compatible sa halip, compatible din ang birth date mong 10 at 16 naman ang ka-chat mate mong foreigner, kung saan, ang mga taong isinilang sa petsang 16 ay mababait kung kaya’t posibleng ma-under mo lang ang nasabing foreigner sa sandaling kayo ay mag-asawa na.- susunod lang siya ng susunod sa iyong mga kagustuhan,

Luscher Color Test:
Upang matiyak at matupad ang pag aanalisang inilahad na sa itaas., uigaliin mo at lagi kang mag suot ng mapalad mong kulay na dilaw. Sa nsabing kulay lalo kang susuweryehin at lalong gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at Paalala:
Evelyn ikaw ay sadyang napakasuwerte, dahil ayon sa iyong kapalaran sa taon ding kasalukuhan sa buwan ng October, darating sa ating bansa ang kaibigan mong foreigner upang yayain ka ng magpasakal. Kapag dumating ang sandaling iyon wag ka ng umaarte arte pa, sunggaban mo agad ang nasabing minsang pagkakataon, dahil matapos kayong ikasal may pangako na sa bansang Norway ka na manirahjan at magkapagtatayo doon ng isang masaya, maunlad at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending