‘PNoy mahiya ka naman sa balat mo!’ | Bandera

‘PNoy mahiya ka naman sa balat mo!’

Jobert Sucaldito - January 31, 2015 - 03:00 AM

pnoy
Nakakaloka ang paborito ninyong presidenteng si Noynoy Aquino, di ba? Mas inuna ang pag-ribbon-cutting ng isang planta ng kotse sa Sta. Rosa, Laguna kaysa salubungin ang mga bangkay ng mga kawawang sundalong nagbuwis ng buhay sa ngalan ng kapayapaan.

Wala naman daw talaga sa schedule niya ang pagsalubong sa mga ito, ang nakalagay daw sa sked niya ay ang pagdalo sa necrological mass ng mga ito para magbigay ng mensahe.

“Judgement call iyan ng Malakanyang. Ipagpalagay nating wala sa sked niya ito, kung talagang may malasakit siya sa mga napatay, mano bang right after ng ribbon-cutting niya ay sumaglit siya sa airport, di ba? Kung napuntahan nga nila ni Sec. Mar Roxas dati ang pagsabog ng granada (tama ba?) sa isang mall noon, ito ba’y hindi man lamang niya mabigyan ng oras?

“Puso ang kailangan dito, hindi naman kailangang nasa schedule-schedule iyan kung talagang may puso siya. Hindi ito show –42 na bangkay ang dumating dahil yung dalawa ay doon na sa Zamboanga yata ililibing.

Hindi man lang niya masilip. Mas enjoy kasi siyang makipagsosyalan sa mga negosyante doon sa planta ng kotse. Ibang klaseng presidente ito.

Baka malaki ang ibinayad sa kaniya sa ribbon-cutting na iyon? That’s bulls***t!” anang kausap ko kahapon. May point siya. Judgement call nga lang ang kailangan dito.

Hindi naman kailangang maimbitahan ka para sumalubong. Hindi naman pinag-iimbita ang patay, ‘no! Kusang pinupuntahan iyan, P-Noy. Is he ill-advised? Hoy, magpalit ka na ng staff mo! Mahiya ka sa balat mo, P-Noy!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending