Manolo Pedrosa inuulan ng swerte | Bandera

Manolo Pedrosa inuulan ng swerte

Ervin Santiago |January 28,2015
facebook
share this

Manolo Pedrosa inuulan ng swerte

Ervin Santiago - January 28, 2015 - 03:00 AM

manolo perosa
ARTISTANG-ARTISTA na ang dating ngayon ng dating PBB housemate na si Manolo Pedrosa, ang isa sa mga leading man ni Janella Salvador sa daytime drama series na Oh My G! sa ABS-CBN.

Mas tumangkad at mas gumuwapo pa ngayon ang bagets nang muli namin siyang makaharap kamakailan sa presscon na ibinigay sa kanya ng BNY clothing company bilang pinakabago nilang celebrity endorser.

Siya ang pumalit sa dating BNY brand ambassador na si Martin del Rosario. In fairness, bagay na bagay sa image ng binatilyo ang mga damit ng nasabing clothing company kaya naman todo-todo ang kanyang pasasalamat sa may-ari nitong si Mr. John Mike Atienza na present din sa nasabing presscon.

Pahayag ni Mr. Atienza, si Manolo ang napili nilang bagong celebrity endorser ng BNY dahil nakikita nila sa personality ng bagets ang image ng kanilang mga produkto. “Fresh, wholesome,  but mysterious” din daw ang dating ni Manolo kaya swak na swak sa kanilang bagong clothing line.

Ayon kay Manolo, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng takbo ng kanyang showbiz career ngayong taon. Bukod kasi sa bago niyang endorsement ay bidang-bida na rin siya sa teleseryeng Oh My G! kung saan kasama nga niya ang ilang batikan at premyadong artista sa bansa.

Anong feeling niya sa sunud-sunod na swerteng dumarating sa kanya? “Sobrang blessed po. Hindi pa rin po makapaniwala na nangyayari na ang lahat ng ito.

Kasi hindi ko po ine-expect na paglabas ko ng PBB ay ganito na po karami ang blessings.”  In fairness, after ng PBB ay nagkaroon agad siya ng episode sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos kung saan una nga niyang nakasama ang isa sa Kapamilya princess  na si Janella Salvador hanggang sa nagkasunud-sunod na nga ang mga proyekto niya sa ABS-CBN.

Bukod dito, may tinatapos pang pelikula si Manolo, ang “Stars Versus Me” kasama ang PBB big winner na si Maris Racal, sa direksyon ni Joven Tan.

Sey ni Manalo, napakalaki rin ng kailangan nilang ipagpasalamat sa BNY dahil ito raw ang nag-provide ng mga damit na ginagamit nila sa nasabing pelikula.

Inamin naman ni Manolo na virgin pa siya at hindi pa nagkakaroon ng girlfriend sa edad na 17, saka na lang daw ang girls dahil gusto niya munang magpo-focus sa kanyang pag-aaral at pag-aartista.

“Kasi before nag-showbiz po ako, ayaw ko talaga munang magka-girlfriend pa. Kasi gusto ko ay focused po ako sa studies ko. So ngayon naman, yung focus ko ay sa showbiz naman po,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending