Ruffa dismayado rin sa national costume ni MJ Lastimosa | Bandera

Ruffa dismayado rin sa national costume ni MJ Lastimosa

Ervin Santiago - January 26, 2015 - 03:00 AM

mj lastimosa
Inamin ng dating beauty queen turned actress-TV host na si Ruffa Gutierrez na hindi rin siya masyadong happy na foreigner ang gumawa ng national costume ng Pinay bet natin sa Miss Universe 2015 na si MJ Lastimosa na kanyang inirampa sa preliminary competition.

Umani ng batikos ang nasabing gown na gawa ng Colombian fashion designer na si Alfredo Barranza, dahil bukod daw sa hindi Filipino designer ang lumikha nito ay nagmukha raw isang walking cake si MJ dahil sa design nitong mga makukulay na bulaklak.

Ayon kay Ruffa, naniniwala siyang di hamak na mas magagaling ang mga Pinoy fashion designers. “Hopefully, they start using Filipino-made gowns for national costumes,” ani Ruffa sa presscon ng ineendorso niyang Cosmo Skin kamakailan.

Sinegundahan din niya ang naging pahayag ng Cebu-based fashion designer na si Cary Santiago na, “Anyone sent for global competition wearing a Philippine sash should wear a Filipino designer.

Where is our pride when what we see on stage is totally not a Filipino costume?” Sey naman ni Ruffa, “Our designers are so talented, more talented than other designers from all over the world.

Nakikita naman natin na ang huhusay ng mga Pinoy. Bakit ayaw nating ipakita ang kahusayan ng mga Pinoy?  “Dapat isuot nila ang damit na gawa ng Pinoy. Magagaling tayo, e.

Hindi naman tayo kailangang manghiram pa ng damit na nasuot na ng iba or hiniram lang. Sayang naman ‘yung chance na maipakita natin ‘yung mahuhusay nating designers kung hindi nila pinaparada ang sariling atin na gown at sariling atin na national costume.”

Kasaba nito, nagbalik-tanaw si Ruffa nu’ng maging kandidata siya ng Pilipinas sa 1993 Miss World at nanalo ngang Miss World 2nd princess kung saan isang Sarimanok inspured gown ang isinuot niya sa national costume competition.

“Ako, I took a stand back in the day, 1993, sabi ko I want a Mang Ben Ferrales to make my national costume. It was Sarimanok. Nakita mo Pinoy na Pinoy talaga ‘yong gown ko.

Wala akong choice, pero kita naman na maganda kasi nagwagi naman siya. I think now, marami ng mas mahusay.”
Ngayong umaga na gaganapin ang Miss Universe 2015 sa Florida, USA at siyempre, umaasa pa rin ang sambayanang Pilipino na maiuuwi na ni MJ ang mailap na korona.

Sa mga nakalipas kasing taon puro runner-up lang ang napagwawagian ng mga kandidatang Pinay. Kaya sana nga sa kakaibang ganda at talino ni MJ ay mapasakamay na ng Pilipinas ang titulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasabay din nito ang pakiusap ng madlang pipol kay Manny Pacquiao na isa sa magiging judges sa pageant ngayong araw na huwag pabayaan ang ating kandidata. Alam n’yo na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending